SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
KABADO. Malaking responsibilidad. Ito ang inamin ni Matteo Guidicelli sa pagbibida sa Metro Manila Film Festival entry ng Viva Films, ang Penduko.
Si Matteo ang magbibida sa Penduko na four years in the making at finally ay maipalalabas na. At sa ganda ng trailer at pambata, hinihulaang mangunguna ito sa box office.
Aminado si Matteo na pressured siya sa pelikula dahil magkakasunod na nanguna sa box office ang pelikula ng Viva Films na entry sa MMFF. Una ay ang Miracle in Cell No 7 ni Aga Muhlach at nasundan ng Deleter ni Nadine Lustre.
Ani Matteo, “kinakabahan ako dahil first MMFF movie ko ito, there’s so much pressure!” anang mister ni Sarah Geronimo.
Masaya si Matteo na pambata ang tema ng kanyang pelikula. “It’s very overwhelming. It’s a big responsibility and I call it, ‘Justice is coming on December 25.’
“Unang-una, kinakabahan ako dahil first MMFF movie ko. There’s so much pressure. Physically, I prepared my physique months before this movie happened. I came from America, I gained weight.
“So, before shooting this film, I lost 20 pounds. We designed a proper fitness regimen. I started doing cross fit for two months and after that, I started running a lot para lumiit ako bigla,” ani Matteo na ginawa niya bilang paghahanda sa Penduko.
Kinarir din ng ng aktor ang acting workshop na si Ruby Ruiz na nagsilbing acting coach niya.
“I requested Tita Ruby Ruiz na maging acting coach ko kasi may relationship na kami. She used to be my acting coach.
“Nag-training po kami mga three to four weeks bago pumunta sa set. Gusto ko talaga, handa tayo bago pumasok,” paglalahad pa ni Matteo sa media conference ng Penduko sa Viva Cafe.
“I came into this knowing na talagang malalim na Tagalog ang gagawin namin. Matinding mga fight scene at matinding dramahan.
“Sabi ko talaga sa aming producer, I want to be prepared before I step on the set, not just physically but also acting-wise.
“My goal was kapag darating ako sa set ng ‘Penduko,’ I want to be free. Hindi ko na po iisipin ‘yung mga linya at ‘yung mga mangyayari. Gusto ko mag-react lang sa co-stars ko.’
“Sobrang pressure po ito. Sabi ko, I’d like to be hundred percent prepared,” giit pa ni Matteo.