Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Isabel Santos Boy Abunda 

John Lloyd ipinangalandakan relasyon kay Isabel

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN na ni John Lloyd Cruz sa Fast Talk With Boy Abunda ang relasyon niya kay Isabel Santos, apo ng award-winning cartoonist at fine arts painter na si Mauro Santos

Sabi ni John Lloyd na natatawa, “Si Isabel ay girlfriend ko. Boyfriend niya ako. We’re boring people. Wala kaming maikukuwento. Ganyan lang kami.

“Matagal na kaming magkakilala. Gallery nila ‘yung una kong ipinasok na gallery.

“At the time na bago pa lang akong tumigil with ABS-CBN, napadpad ako sa pag-e-explore ng arts so, gallery nila ‘yung una kong napasok.

“Sila ‘yung mga una kong nakilala. ‘Yung family nila, kung sino ‘yung patrons ng gallery nila. Matagal na kaming magkakilala.

“We were talking before but hindi nag-evolve into something ideal for us, at the time. Mula noon, present na rin siya sa buhay ko,” aniya pa.

Sa tanong ni Kuya Boy kay John Lloyd kung nakatulong si Isabel sa paniniwala niya sa kasal, ang sagot ng aktor.“Yeah! Malaki ‘yung… she’s very elemental sa mga ganyang bagay.

“Sa kung paano namo-mold ‘yung kung anuman ‘yung mga lumalabas sa bibig ko. Kung anuman ‘yung nabubuo sa isip ko.

“Siyempre, ‘yung consideration lagi for the two of us, especially para sa kanya, laging nandoon,” ani Lloydie. 

“Nagtatanong about showbiz si Isabel?” sumunod na tanong ni Kuya Boy.

Hindi masyado,” sagot ni John Lloyd.

“Siguro when it comes to films, lumalabas ‘yon. But ‘yung siya, like tatanungin kung paano, hindi masyado.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …