Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual Shaina Magdayao

Piolo tinawanan balitang pagbubuntis ni Shaina: Buti pa kayo alam n’yo

MA at PA
ni Rommel Placente

SA isang interview ni Piolo Pascual ay sinagot niya na ang napapabalitang nabuntis niya umano si Shaina Magdayao, na sinasabing karelasyon niya.

Tawa lang ng tawa si Piolo habang sinasagot ang tsimis sa kanila ng nakababatang kapatid ni Vina Morales

Sabi ni Piolo na natatawa, “Siyempre ang daming nagtatawag sa akin. Sabi ko, ‘di ko kayo nasabihan. Sini-secret talaga namin, eh. Ha-hahaha! Know for yourself, ‘di ba? Buti pa kayo alam n’yo,” anang aktor.

Pero inamin naman ng aktor na espesyal pa rin sa puso niya si Shaina. Pero ayaw muna niyang lagyan ng label ang kanilang relasyon.

Tingnan po natin anong mangyayari. First there is pressure in the family, in the society and she’s good friends with my family.

“She’s always in our celebration. Let’s see. It’s just for now, I’m really busy and It’s just something I don’t have any time for so I don’t wanna be unfair,” aniya pa.

Samantala, isa ang pelikula ni Piolo sa sampung pelikula na nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2023. At mahusay daw dito si Papa P. Pang-Best Actor daw ang akting na ipinamalas ng aktor sa pelikula. Posible nga na siya ang mag-uwi ng Best Actor trophy sa  magaganap na awards night ng MMFF.

Well, abangan na lang natin sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2023 kung si Piolo nga ba ang  tatanghaling Best Actor? Or baka naman iba ang suwertehing manalo? 

Si Christopher de Leon ay may entry din na pelikula sa MMFF 2023, ang When I Met You in Tokyo na silang dalawa ni Vilma Santos ang bida. Alam naman natin na mahusay na aktor si Boyet. Tiyak  isa ito sa magiging mahigpit na kalaban ni Papa P sa Best Actor category.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …