Friday , March 7 2025
Jerome Ponce Krissha Viaje

Jerome at Krissha posibleng mag-level-up ang relasyon

PAREHONG single sina Jerome Ponce at Krissha Viaje kaya naman natanong ang mga ito kung may posibilidad na ma-attract sila isa’t isa. Sila kasi ang bida sa  pinakabagong seryeng handog ng Viva One, ang Safe Skies, Archer.

Si Krissha si Yanna, isang sexually empowered tourism student samantalang si Hiro naman si Jerome, ang dashing young pilot at mechanical engineering student. Magkakaroon sila ng relasyon na matutuloy sa ilang maiinit na eksena kaya naman natanong ang dalawa kung may posibilidad na ma-attract sila sa isa’t isa.

Aminado naman si Krissha na single siya. Aniya, “Single po ako ngayon. I just got out of a relationship, long distance relationship.”

Maging si Jerome ay wala ring karelasyon. “I am single.”

Dahil dito malakas ang posibilidad na mag-level up ang friendship nina Krissha at Jerome habang ginagawa ang Safe Skies, Archer

Ang Safe Skies, Archer ang ikalawang kuwento sa screen adaptation ng best-selling novel nGwy Saludes at mula sa kanyang university series book. Ito ang kapalit ng  The Rain in España na pinagbidahan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo na napanood sa streaming site na Viva One at sa TV5.

Kung pagbabasehan ang mga kilos nina Jerome at Krissha na nakita namin sa mediacon, hindi malayong magka-developan ang dalawa. Sweet at kitang-kita ang pagke-care nila sa isa’t isa.

Samantala, parehong thankful sina Jerome at Krissha kina Marco at Heaven dahil sa   suporta ng mga ito sa kanila gayundin sa mga dati nilang kasama sa The Rain In España na kasama pa rin nila sa Safe Skies, Archer

“It’s an honor, magaling talaga na aktor si Jerome. Hindi naman ako masyadong nahirapan,” pagpuri ni Krissha kay Jerome nang matanong kung kumusta ang pakikipagtrabaho sa aktor.

“Noong chemistry test pa lang namin, hindi ako nahirapan na ibigay ‘yung karakter ni Yanna. Madali lang talaga na makipagbatuhan ng lines kay Jerome. Parang natulungan pa niya ako, very generous actor.

“Nae-enjoy ko po ‘yung company ni Jerome. Nagha-hang out kami para mas magkaroon kami ng connection. Marami po akong natutunan mula sa kanya every day,” sabi pa ni Krissha.

Papuri rin ang sinabi ni Jerome kay Krissha. Aniya, “Working with Krissha sobrang saya kasi talagang nabuhay niya ‘yung karakter na galing sa libro. The fact na kababasa ko lang niyong libro habang isinasa-tao ko ‘yung karakter ni Hiro. Off-cam naman, okey na okey na kasama si Krissha.” 

Sa Safe Skies, Archer magpapatuloy ang journey ng barkada pagkatapos ng massive success ng The Rain in España, at may ipakikilalang bagong mga bida na tiyak aabangan at bagong love story na susubaybayan ng lahat. 

Bukod kina Heaven at Marco Gallo kasama rin sa Safe Skies, Archer sina Bea Binene bilang Via, Gab Lagman bilang Sevi, Aubrey Caraan bilang Sam, Nicole Omillo bilang Kierra, Frost Sandoval bilang Leo, Andre Yllana bilang Adonis. Mas lalaki pa ang barkada sa pagdating nina Hyacinth Callado bilang Elyse, Jairus Aquino bilang Shan. Ipakikilala rin sa series ang up-and-coming child actress na si Dani Zee na gaganap naman bilang Avi.

Ang second book ng University Series na isinulat ni Gwy ay mayroon nang mahigit 610 million reads sa Wattpad. Itoay idinirehe ng young box-office director na si Gino Santos, na nakilala sa kanyang mga hit movies na Ex With Benefits at Love Me Tomorrow, at ang katatapos lang na youth series na Teen Clash.

Abangan ang new set of soundtracks na magbibigay ng kakaibang kilig at hugot sa SAFE SKIES, ARCHER, mula ito sa music genius at founder ng OC Records na si Kean Cipriano. Ang KISAME ni Rhodessa na mayroon ng mahigit 24 Million streams sa Spotify, ang dreamy vibe music ng Healy After Dark na ISIP, at ang fresh track ni Aly Remulla na I JUST WANT TO KISS YOU, na nasa Indie Pop playlist ng Spotify, ay ang mga official soundtracks naman ng series.

At sa November, dadalhin na tayo sa alapaap ng love story nina Yanna at Hiro sa Safe Skies, Archer ng Viva One. Mayroon itong exclusive sneak peek para sa preparations ng exciting series at may  one-hour docu-special na READY FOR TAKEOFF: THE ROAD TO ‘SAFE SKIES, ARCHER na mapapanood na sa Viva One.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Michael Sager

Michael apektado sa bashing, pinaghuhusay ang acting

RATED Rni Rommel Gonzales TULAD ng ibang artista o celebrity ay nakatatanggap din ng pamba-bash …

Bam Aquino Ogie Diaz

Ogie Diaz suportado pagtakbo ni Bam Aquino sa senado

I-FLEXni Jun Nardo ISA si senatorial candidate Bam Aquino sa tatlong senatoriables na susuportahan ni Ogie Diaz ngayong May …

Vilma Santos

Ate Vi binigyang kahalagahan mga kababaihan 

I-FLEXni Jun Nardo PINAHALAGAHAN ni Batangas governatorial candidate Vilma Santos-Recto sa inilabas niyang video message sa Facebook ang mga …

Mobile Legends TNT P10 8 hrs

Hanggang saan aabot ang P10 mo? Walong oras na Mobile Legends sa TNT!

MADALAS ka pa rin bang magbayad ng WiFi o kumonek sa internet shop para lang …

FDCP A Curation of World Cinema

Curation of World Cinema itatampok ng FDCP

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INIHAYAG ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pagtatanghal ng A Curation …