SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
WALA pa rin talagang kakupas-kupas ang isang Gary Valenciano sa tuwing nagko-concert. Ito ang nakita namin nang manood kami ng kanyang Gary V Back at the Museum concert noong Biyernes, October 20 sa Music Museum.
Sa boses, sa galaw, sa husay mag-perform ‘yung dating Gary V pa rin ang napanood namin. Kaya nga nakatutuwang habang kumakanta siya ng live, napapanood din sa video wall ang kantang inaawit niya. Kumbaga eh naka-synch sa live at video wall.
Hindi hadlang ang karamdaman niya para makapagpasaya sa mga nanonood ng kayang concert na that night ay umabot ng mahigit sa tatlong oras. Ni ayaw pa ngang mag-alisan dahil talaga namang sa bawat kantang ibinibigay ni Mr Pure Energy buhay na buhay ang audience.
May nagsabi pa nga, na narinig namin mula sa audience, ‘sulit na sulit talaga kapag si Gary ang nagko-concert.’
Ang Gary V Back at The Museum ay mapapanood pa sa Oct. 27 at Nov 3. Bale ika-97 concert ang naganap noong October 20 na hangad nitong maka-100 concert sa Music Museum.
After the concert ay nakausap namin si Gary backstage at nasabi niyang, “I guess it’s obvious that this is the place I performed in the most and why it’s the place where I get to try out new ideas.”
Sa Music Museum kasi niya ginawa ang 22, 23 years celebration niya sa industriya. At dito rin nangyari ang first directorial job ng kanyang anak na si Paolo, sa pamamagitan ng Higher Ground.
At sa pagbabalik-Music Museum aminado si Gary na hindi naging madali. Naging maayos ito dahil na rin sa pagka-creative ni Paolo nang marinig niya mula sa kanyang inang si Angeli Pangilinan na naka-document ang lahat ng concert ng kanyang ama.
“It was Angeli who reminded me that I’m probably one of the most documented male artists in the country. I have concerts that are documented from the provincial shows that I’ve had. So when we were working on this on this one, we were thinking okay, what. Doon niya nasabi ni Paolo na, ‘do you think we can synch?’ And I said, ‘yeah.’”
Kaya naman naka-synch nga ang ilan sa mga past show ni Gary noong gabing nanood kami.
Naikuwento rin ni Gary ang ukol sa concert series niya sa US. Aniya, nagkasakit siya roon. Kaya habang kumakanta siya hindi naiwasang maiyak ang kanyang fans. Alam kasi ng mga iyon na masama ang pakiramdam niya at halata rin sa boses niya. Pero the show must go on. Itinuloy niya ang concert at naging emotional ang lahat.
“When I was in the States, my first concert, I had pneumonia, without even knowing that I had it. I felt that there’s something wrong, and the doctor gave me steroid,” lahad ni Gary.
“But thank God, I was a lot stronger a week after. And I was able to finish every concert,” anito na ipinarinig pa kung gaano siya kamalat noong panahong iyon.
Sa kabilang banda, masayang ibinalita ni Gary ang collaboration nila ni Gloc-9.
“You know, when Gloc-9 write a song, you can’t help but pay attention, because he’s saying something in every part. The thing is, I’m the one singing, and he only comes in the rap part, and then we’re together all the way up to the end.
“I think it’s gonna be a hit. The title si ‘Walang Pumapalakpak’. Na awit ka nang awit, kahit walang pumapalakpak. It’s a very encouraging song,” excited na kuwento pa ni Gary.
Anyway, kinanta ni Gary sa concert ang mga classic hits niyang Mahal na Mahal, You Got Me Working, Reaching Out at marami pang iba. Naging special guest niya ang dalaga niyang anak na si Kianna na inawit nila ang If I Ain’t Got You, Can We Just Stop and Talk Awhile.