Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

Sa Isabela
JEEP, SUV NAGBANGGAAN 10 SUGATAN

SUGATAN ang 10 katao sa insidente ng banggaan ng isang sports utility vehicle (SUV) at isang pampasaherong jeepney sa Brgy. San Antonino, sa bayan ng Burgos, lalawigan ng Isabela nitong Sabado, 21 Oktubre.

Ayon kay P/Maj. Jonathan Ramos, hepe ng Burgos MPS, nag-overtake ang SUV patungong bayan ng Roxas, ngunit nabunggo ang kasalubong na jeepney.

Dahil sa lakas ng tama, bumangga rin ang jeepney sa isang tindahan sa gilid ng kalsada.

Nasaktan at nasugatan ang 10 katao sa mga lulan ng dalawang sasakyan at nilapatan ng pang-unang lunas.

Pinaalalahanan ni Ramos ang lahat ng mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at sumunod sa mga batas trapiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …