Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
SABI ng Commission on Elections (COMELEC) P5 kada botante ang dapat sundin na gastos ng mga kandidato. Sana wala na lang gastos! Saan makararating ang P5? Isang butil ng bigas?
Sa hirap ng buhay ngayon mabigyan ng isang kilong bigas ang mga botante, hanggang tenga na ang ngiti. Pulubi nga ayaw ng P5 gusto P100, bente pesos!
Magkano ang t-shirts at mga tarpaulin? Pakain pa sa mga sasama sa pangangampanya?
Paging Comelec, obsolete na yata ‘yang P5/botante.
Sabi tuloy ng isang kapitbahay namin: “Parang ang lilinis ng kumolek este Comelec. E sila nga ang dapat bantayan. Hindi lang barya-barya, malakihan kung dumisgrasya.”
Kapag panahon ng local elections kung may tiwala ba ang taongbayan kailangan pa ba ng poll watcher?
Sa, barangay elections kaysa P5 ang direktiba ay wala na lang kahit isang sentimo dahil sa halagang P5 para n’yo nang sinabi na: Wala ‘yan, barangay election lang ‘yan! Barya barya lang ‘yan!”
Samantala, ‘pag national elections, busog na busog ang mga botante! Higit sa lahat, busog ang mga taga-Comelec! Am I right or wrong?