Wednesday , April 2 2025
Arrest Posas Handcuff

Nagwala, nagbanta sa mga pulis  
PASAWAY NA CALL CENTER AGENT HULI

“‘WAG kayong lalapit, mamalasin kayo!” habang iwinawasiwas ang hawak na patalim.

Ito umano ang pagbabanta ng isang lasing na call center agent matapos pagbantaan ang mga pulis na nagresponde sa ginagawa niyang pagwawala at paghahamon ng away habang armado ng patalim sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Sa kulungan na nahimasmasan ang suspek na kinilalang si Davidson Joseph Demdam, 32 anyos, residente sa Gil Pascual St., Brgy. Hulong Duhat ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni Malabon City police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong 6:45 pm, habang nagsasagawa ng regular na pagpapatrolya kaugnay sa ipinaiiral na police visibility ang mga tauhan ng Police Sub-Station 5 sa C-4 Road nang mapuna nila ang nagaganap na komosyon sa C-4 Park, Brgy. Longos.

Kaagad itong tinungo ng mga pulis ang parke at dito nila inabutan ang binatang call center agent habang nagsisisigaw at hinahamon ng away ang lahat ng mga taong namamasyal sa lugar.

Nilapitan ng mga unipormadong pulis ang suspek at pilit na pinapayapa ngunit imbes sumuko, binantaan pa ang mga awtoridad.

Ilang minutong pinakiusapan ng mga pulis ang call center agent hanggang makakita ng pagkakataon sina P/Cpl. Michael Allanic at Pat. Angelito Subrio na dambahin ang suspek at nagawang kunin sa kanya ang hawak na patalim.

Ayon kay Col. Baybayan, kasong Alarm and Scandal at ilegal na pagdadala ng patalim ang isasampa ni P/SSgt. Jeric Tindugan, may hawak ng kaso, laban sa suspek sa piskalya ng Malabon. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng SUV at motorcycle drivers sa Antipolo road race, sinuspinde ng LTO

PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya sa pagmamaneho ng SUV …