MA at PA
ni Rommel Placente
SA panayam ni KC Concepcion sa YouTube channel ni Isko Moreno na Iskovery Night, tinanong siya ng dating mayor ng Manila ng, “Where do you see yourself 10 years from now?”
Ang sagot ni KC, “Sana may family na ako, sana gusto ko ng complete family, gusto ko ng happy marriage, happy children, healthy children.
“Gusto ko maging close kami ng family ko, at ng magiging family ko. Gusto ko lang masaya lahat and may foundation na ako by then, na talagang working.”
Ang foundation na gustong magkaroon ni KC ay may kinalaman sa National Ambassador Against Hunger of the United Nations’ World Food Programme.
Isa rin ito sa dahilan kung bakit naglilibot siya sa iba’t ibang bansa para magbigay tulong sa mga batang nangangailangan.
Ang tugon ni Yorme sa sinabi ni KC, “Hayan napakinggan n’yo 10 years from now. That’s good news that you see yourself in this situation.”
Sa tanong naman ni Yorme kay KC, kung anong tipo ng lalaki ang hinahanap niya, ang sabi ng dalaga na natatawa, “May sagot po ako, alam ko na ‘yung ayoko (sa lalaki). Alam ko na ‘yung non-negotiable ko (muwestra ng pag-ayaw sa kamay).
“Ayaw ko ng sinisigawan ako, ayaw ko ng parang mape-pressure ka parang sakal ka (controlling sabi ni yorme). Ayaw ko ng ganoon based on the past. So, mas alam ko ang mga ayaw ko kaysa gusto ko,” paliwanag ni KC.
Pagpapatuloy pa ng dalaga, “What I like is somebody na good vibes, gusto ko ‘yung natatawa ako, not a comedian naman na parang joker o clown. Gusto ko ‘yung of course matalino, of course, ‘yung kaya niya ang sarili niya.
“Somehow may career siya (maabilidad sabi ni Yorme), because ganoon din po ako. Gusto ko ‘yung may disiplina, may trabaho, may ina-achieve everyday, and of course happy connection namin, ‘yung ‘pag nakita mo ‘yung phone mo na siya (tumawag o nag-text), mag-i-smile ka. Ang gusto ko lagi akong naka-smile, marunong sa romance, pero responsible rin sa buhay sa values,” aniya pa.
Hirit naman ni Yorme, “Marami kang makikitang ganoon kasi ako for example, I always follow 2 rules in happy marriage.
“First rule, wife is always right, it maybe a joke but with all honestly there’s a semblance truth on it in practice. Second rule, if you think your wife is wrong, refer to rule number one.
“Wife is always right and you know why, kasi gusto ko ‘yung sinabi mo na you want to always smile, parang ‘ay iniintindi ako neto’ kasi alam mo namang mali ka, eh, but the guy would have his space, more space in understanding you na ‘sige na nga ikaw na ang panalo sa conversation na ito,’”paliwanag pa ni Yorme.
“Oo, confident siya sa sarili niya, secure siya at mahal niya ‘yung babae (kaya) anong point para awayin ko?” say ni KC.
Hirit ni Yorme, “Kasi you end up going to bed together, tapos magpapalitan kayo ng unan, tapos gagawa kayo ng 1950’s na pelikula no talkies, end up kakain kayo together no talkies kaya why complicate things?”
Natatawa naman si KC habang nagkukuwento si Yorme, “Kaya nga ‘yan gusto kong matutunan bago ako magpakasal, may mga fear ako na ayaw kong mag-fail ito kaya nga I’m learning from you kaya lang unang-una sa lahat confident ‘yung lalaki sa sarili niya.”
At dahil dito ay nagsabi ang dalaga na gusto niyang matuto pa sa point of view ni Yorme Isko bilang lalaki.