HATAWAN
ni Ed de Leon
HOOY. Hindi namin namamalayan nakaka-20 years na rin pala kami sa Hataw. Parang kailan lang ano, at iisipin ba ninyo na ang Hataw ay magsu-survive sa kamalasan ng pandemya?
Iyong ibang mga kasabayan namin na sinasabi noong araw na matitibay nagsipagsara na lahat, at ang mga diyaryo nila ay balutan na lang ng tinapa ngayon. Iyong iba naman nagba-blog na lang tuloy, kasi wala nang diyaryong masulatan. Iyong ibang mga balasubas na diyaryo, maaari kang magsulat pero hindi ka babayaran. Pero rito sa Hataw tuloy ang ligaya, at may natatatanggap pa rin kaming “additional” kung Pasko.
Sayang wala na si Boss Jerry Yap, pero nasaan man siya, alam naming masaya siya dahil kahit na nawala siya nagpapatuloy ang iniwan niya, at gaya ng pinanindigan niya, ang Hataw ay humahataw pa rin at hindi pa nababahiran ng mahika ng peryodismo. Na kung sabihin nga ni JK Labajo ay “nakaka….ina.”