Sunday , December 22 2024
Nick Vera Perez

Nick Vera Perez, itinanghal na Mr. United Nations International 2023

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGBUNGA ang matinding paghahanda ni Nick Vera Perez nang tanghalin siya bilang Mr. United Nations International 2023. 

Ang naturang pageant ay ginanap sa India at aminado si Nick na iba ang naramdaman niya nang manalo siya rito.

Esplika niya, “Iba ang pakiramdam nang nanalo. Alam mo, na ikaw na. Hehehe. Mahirap mag-assume, lalo na ako, hindi ko ito ginagawa kasi kapag hindi nangyari, napapahiya lang afterwards. But when they called me, mixed emotions na overwhelming, iba kasi kapag nanalo ka na.” 

Wika pa ni Nick, “It opens doors for me to speak my advocacies to the government officials dito sa Illinois.’

Ano ang naging preparation niya para rito?

“Mental preparation and inuna ko. In life, perception is everything. I manifested I will win all categories – then I made a goal and did that.

“I got supported with all categorical competitions like mga suits that costs more than $5,000 – almost $6K, plus yung round trip na triple pa roon. Mahal ang pageants pero ang ipinaglalaban dito ay ‘yong iyong mga adhikain na makatulong ka in a larger and louder scale,” deklara pa niya. 

Ano ang ine-expect niya nang papunta pa lang siya sa India?  

“Ine-expect ko na iba ang culture nila sa atin and sa US, pero in most likely than not, halos the same lang din. Maramdaman mo ang hirap and yaman, pero lahat okay naman.” 

First time niyang sumali sa ganitong pageant at nagkuwento pa ang magaling na singer/recording artist na naka-base sa Chicago, Illinois hinggil dito.

Aniya, “Ang Mr. UN International is not your typical pageant. Kapag world finals na, ito yung mga finalists na kumbaga ay napili na from initial screenings.

“Sa iba kasi tatawagin pa ang top 15, then top 10. Dito sa world finals, finalists na lang from Teen, MS, Mr. and Mrs. Tapos May sections na maglalaban kayo for the title, mix group mayroon din, kapag male and female apart lang. So, it’s a very unique place to join.” 

Bahagi ng kanyang activities as the New Mr. United Nations International 2023 ang events representation, public speaking on getting engaged, at ang charity activities.

Paano niya ide-describe ang kanyang experience sa India sa pageant na ito?

“Nababaitan ako sa kanila, kahit na saglit lang, hindi sila puwedeng bigyan ng tip, magagalit sila sa iyo. Sabi nila, when you are in India, we take care of you. Sinubukan kong mag-tip uli, nainsulto yung mama. Nag sorry naman ako.” 

“Sa America and sa ‘Pinas, tipping is a thank you sign, iba sa India,” nakangiting pakli pa ni Nick. 

Ang pagiging Mr. United Nations International 2023 ba ang kanyang magiging focus ngayon, kompara sa kanyang singing career?

Paglilinaw ni Nick, “Contrary to what people will do, winning is adding to what I am currently doing. It should never be seen as a thing to do and let go of others, but a thing to do to synergistically emphasize and strengthen what I am and doing.

“The winning part is a way for me to concentrate on helping other people, help others while singing continues with my soon Doctorate career life. Lahat ito kapag pinagsama-sama, mas credible and stronger sa pagtatanghal.” 

Nabanggit din niya ang iba pang dapat na abangan sa kanya pagdating sa kanyang karera as a recording artist.

“If God wills it, maipo-promote ko na ang albums 2, 3, 4, 5 na tinapos ko during pandemic habang nag-aaral ng aking Doctorate. Sa May 2024 ang plan and gagawin itong variety shows sa malls and three locations for gatherings with food.

“So busy ang peg, kumbaga, hehehe. So, tuloy pa rin ang work ko bilang nurse and maybe change roles very soon,” pahayag pa ni Nick. 

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …