I-FLEX
ni Jun Nardo
BUMIDA ang nangungunang streaming platform sa bansa na Vivamax sa nakaraang Asian Content and Film Market ng Busan International Film Festival.
Ang delegasyon ay pinangunahan ng Chairman at CEO Vic del Rosario at President at COO Vincent del Rosario na nakapagsara ng multi-picture deals sa Korean at Japanese distribution companies sa Festival.
Ang South Korean distribution outfits Lumixmedia, WithLion, at Jaye Entertainment ay nakuha ang 40 original Vivamax titles habang ang Japanses distribution company, Nettai Museum, acquired 24 titles. Ang nabentang mahigit sa 60 titles ang siyang pinakamalaki sa Philippine entertainment industry.
Sa ngayon, mahigit 7 million ang subscribers ng Vivamax sa buong mundo gaya sa Asia, Europe, Middle East, at North America.