RATED R
ni Rommel Gonzales
SA recent interview sa Diamond Soul Siren na si Nina ay natanong ito kung ano ang mayroon sa pag-ibig na hindi niya alam noong araw na alam na alam na niya ngayon.
“About love… okay ang hindi ko alam noon is huwag kang masyadong magmamahal.
“Kasi talagang ‘pag nagmahal ka ng todo-todo, na wala ka ng natira sa sarili mo, mate-take advantage ka, kasi malalaman nila sa sobrang pagmamahal mo.
“So kahit ano puwede nilang kunin from you, money, your life, your time, wala ka na talagang matitira.
“So ngayon ang natutunan ko naman ngayon, you have to love yourself first, and it’s not about being selfish, you have to love yourself first before you can love other people.
“Kasi how can you love other people if you don’t even love yourself? So mahalin mo muna ‘yung sarili mo, alagaan mo, bago mo maalagaan at mahalin ang ibang tao.”
In love ba si Nina ngayon?
“In love po sa buhay,” at tumawa si Nina, “sa everything.”
Magkakaroon ng concert si Nina sa November 8, 2023 sa Samsung Hall ng SM Aura Sa Taguig City na pinamagatang Only Nina.
Ang musical director niyo ay si Bobby Velasco at available ang tickets sa SM Ticket outlets at online via smtickets.com at sa District One sa BGC.
Produced ito ng Vera Group Inc. at co-produced ng District One.