HATAWAN
ni Ed de Leon
KUNG siya iyong nakita ko noong awards night ng FDCP (Film Development Council of the Philippines), wala ngang kaduda-duda na bading siya.
“Bading na bading siya noon,” sabi ng isang editor tungkol sa isang baguhang male star na lumalabas sa mga gay series na pang-internet.
“Kakilala mo ba siya, kasi ako kakilala ko iyan dahil madalas iyang kasama niyong isang kaibigan naming make-up artist sa bars. Akala ko nga noong una rich kid sa porma eh, at sa kilos, iyon pala hindi naman. Nag-istokwa pa nga raw iyan sa kanila noong makagalit ang nanay niya. At sa totoo lang bading na bading siya talaga.
“Pero ngayon mukhang nakatanso ng mayamang bading dahil pogi naman talaga siya, Ibinili raw ng bagong kotse, gabi-gabi ay sa mga five star hotels natutulog matapos na maglasing sa mga high end bars. Nakatanso nga ng mayamang bading ang batang bading,” sabi naman ng isang bading ding showbiz personality.
Eh ano naman ang kataka-taka roon eh uso naman ngayon ang “gay for pay.”