Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Sunshine single but not ready to mingle

HATAWAN
ni Ed de Leon

“KALOKA,” ang nasambit na lang ng aming editor, si TIta Maricris nang tanungin niya kami kung bakit nasasangkot ang pangalan ng aming favorite actress na si Sunshine Cruz sa Vice Governor ng Batangas na si Marc Leviste ganoong iba naman ang nililigawan niyon.  Hindi nga rin namin alam kung bakit nasangkot si Sunshine sa magulong love affair ng vice governor, ganoong sa totoo lang hindi naman masasabing magkakilala silang talaga. Siguro nga magkakilala pero ni hindi sila close, at lalong hindi nanliligaw iyon. Sa ngayon ayaw muna ni Sunshine ng mga manliligaw.

Alam naman natin ang love story ni Sunshine, napakabatang nag-asawa, hindi napag-aralang mabuti ang sitwasyon kaya makalipas ang ilang taon nagkaroon na sila ng problema sa pagsasama, hanggang hindi na siya nakatiis, nakipag-hiwalay. Nang mahiwalay mas matinding problema ang dumating dahil katakot-takot na demandahan ang kasunod, hanggang sa natapos na at lahat, wala naman siyang nakuha sa hinihingi niyang support para sa mga anak nila. 

Sabihin man ng korte na kailangang magbigay ng sustento, kung sabihin sa iyong wala akong maibibigay, ano nga ba ang magagawa mo? At least na-annul na ang kasal na iyon at malaya na siya.

Mabuti naman at nang balikan ni Sunshine ang kanyang acting career ay mabilis siyang sumikat na muli. Nasuportahan niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak, hindi man makatanggap ang mga iyon ng suporta mula sa tatay nila.

Makalipas ang ilang taon, may nanligaw kay Sunshine. Kilala naman niya iyong tao, mabait naman at kasundo ang kanyang mga anak, kaya ok lang sa kanya. Magkakasama sila lalo na kung may mahahalagang okasyon na dapat buo ang pamilya. Pero dahil natuto na rin si Sunshine dahil sa mga naging karanasan niya sa buhay, basta may nakita siyang hindi tama, hindi niya napapalampas iyon. Ganoon lang kasimple at naisip niyang baka pagsimulan lang din iyon ng hindi nila pagkakasundo minabuti niyang huwag nang palawigin pa ang kanilang relasyon. 

Marami ang nagtataka kung ano ang nangyari pero nag-usap naman sila ng maayos at nagkasundong huwag nang magsalita tungkol doon.

Simula nga noon, sinasabi na ni Sunshine na siya ay single, “but not ready to mingle.”  Ipinaayos niya ang kanyang bahay, hinarap nang husto ang kanyang career matapos ang dalawang taong pandemya at ngayon sinasabi niyang trabaho na lang muna siya, uunahin niya ang kinabukasan ng kanyang mga anak, at pagkatapos niyon at saka na lang siya mag-iisip kung magkakaroon pa ng parther o hindi na.

Mahirap eh, ang hinahanap ko sa isang partner ay kagaya ng nakita kong ginagawa ng tatay ko. Aba napakabuti niyang tatay sa aming lahat kaya sabi ko nga if I cannot find someone like my dad, hindi bale na lang. Ok lang akong mag-isa. May tatlo na akong anak, at tama na iyon para sa akin,” sabi ng aktres.

Hindi mo naman masisi si Sunshine, dahil talaga namang ideal ang naging buhay nila at pagpapalaking ginawa sa kanila ng mga magulang nila, at totoong sa panahon ngayon, mahirap nang humanap ng isang lalaking kagaya ng dad niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …