Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rio Locsin Boy Abunda

Rio Locsin iritada sa mga batang artista na nagce-cellphone habang nasa set

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ni Rio Locsin sa panayam sa kanya sa Fast Talk With Boy Abunda na nabubuwisit siya sa ilang mga kabataang artista na nagse-cellphone kahit nasa set at nagre-rehearsal.

Hindi kayang i-tolerate ni Rio ang ganitong ugali ng mga nakakatrabahong youngstars dahil feeling niya hindi sineseryoso ng mga ito ang kanilang trabaho.

Sabi ni Rio, “Naiirita o naiinis ako talaga kapag may telepono sa set. Kapag may cellphone sa set, kapag nagre-rehearse na, nagbibigay na ng instruction. Ako kasi wala akong telepono sa set. Respeto rin sa kaeksena mo, ‘di ba? Parang, ‘yung isa handa tapos ikaw hindi kasi may kausap ka.

“O, nagri-ring ang telepono mo nasa bulsa kasi paano ba ‘yon? Eh ‘di sana umuwi ka muna, nakipag-usap ka,” seryosong sabi ng aktres.

Kung may ikinatutuwa naman si Rio sa mga nakakatrabaho niyang youngstars, ‘yan ay ‘yung mga kusang lumalapit at nagpapakilala sa kanya.

Kapag hindi siya lumalapit sa akin para makipag-usap, hindi ako lalapit sa kanya.

“Kapag ang batang artista lumapit sa akin, ‘halika anak mag-usap tayo.’ Kasi mahirap naman na ako ang mangunguna.

“Pero kapag nagpakilala kayo at gusto n’yo makipag-usap sa akin, welcome na welcome kayo sa akin.

“Sinabi ko sa kanila, ‘pasensya na kayo, senior na.’ Hindi ko lahat kilala ang mga batang artista hangga’t hindi ko nakakatrabaho.

“Pero kapag nagpakilala kayo at gusto n’yo makipag-usap sa akin, welcome na welcome kayo sa akin,” sey pa ni Rio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …