Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadia Montenegro Ynna Asistio

Nadia sa mga batang artista ngayon — napaka-bless ninyo, ‘di uso noon ang aircon, tent, silya sa set

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Nadia Montenegro sa YouTube Channel ng anak niyang si Ynna Asistio, ikinompara niya ang sitwasyon nilang mga artista noong sila ay young stars pa, sa sitwasyon ng mga young star ngayon.

Si Nadia ay nagsimulang mag-artista noong kabataan niya, 80s, at naging Regal baby siya. Ilan sa kasabayan niya ay sina Gretchen Barretto at Richard Gomez.

Sabi ni Nadia, “Like what I say to every actor that I meet, especially sa young generation ngayon, napaka-blessed ninyo, napaka-blessed nilang lahat.”

Noong panahon daw nila, mas mahirap ang kalagayan ng mga artista. Hindi uso noon ang aircon, tent, silya sa set. Kanya-kanyang folding bed at puwesto ang mga artista noon.

Even our workshop was not a joke. Kasi noong araw, kailangan marunong kang kumanta, sumayaw, mag-host, umarte, maglakad, humarap sa tao. Hindi tulad ngayon.

“The ‘80s, ‘70s, ‘60s stars deserve much more respect in this industry than we’re getting now. Just because, kasi now, alam mo, dami naki-create na mga monster, spoiled brats. Maraming spoiled brats na artista na akala mo. Hija, hijo, chill ka lang. Hindi ‘yan ang dulo, dinadaan ka lang diyan. Find your real destiny,” ani Nadia.

Maipagmamalaki naman ni Nadia na kaya aktibo pa rin ang kanyang showbiz career, na nabibigyan pa rin ng trabaho sa kabila ng maraming taon niya na sa industriya, ay dahil hindi siya pasaway. Kumbaga, marunong siyang makisama sa lahat ng nakakatrabaho niya, marespeto, at friendly. 

I was never ashamed to introduce myself, being humble, and introducing yourself, being polite, and respectful to everyone.

“I realized being friendly is such a blessing. Being nice to everyone,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …