Sunday , December 22 2024
Gene Juanich

Gene Juanich, dream come true pagsabak sa Off-Broadway Musical

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang New York based singer/songwriter/musical theater actor na si Gene Juanich na dream come true ang nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career sa Amerika.

Si Gene ay naging bahagi ng Broadway production ng Tony Award winning musical na Once On This Island na itinanghal last year sa CDC Theatre, New Jersey, USA.

Ito ay isang Tony Award winning musical at si Gene ang nag-iisang purong Pinoy sa cast, na halos karamihan ay mga African-Americans or “colored” dahil ang setting ng musical ay sa Caribbean Island

Sa ngayon ay abala siya sa paghahanda sa bagong musical play at ito na ang third time na magiging part si Gene ng isang Broadway musical. Ang latest ay pinamagatang Working The Musical.

Masayang pahayag niya, “Yes po, every opportunity na mapasama po ako sa isang off-Broadway Musical ay always dream come true po sa akin talaga. Kasi passion ko po talaga ang musical theater.”

Nabanggit din niyang masaya siya sa takbo ng kanyang showbiz career sa US.

Sambit ni Gene, “Happy naman po ako sa takbo ng career ko rito sa US dahil kahit paano ay nagagawa ko po ‘yung pinakalab ko talagang gawin, ang musical theater.

“Katunayan, nakasama na po ako sa dalawang Off-Broadway Musicals – ang Rodgers & Hammerstein’s Cinderalla The Musical, kung saan gumanap po ako na male ensemble at ang Once On This Island na gumanap naman po ako bilang si Tonton Julian.”

Pagpapatuloy na kuwento pa ni Gene, “Heto nga po at may bago po uli akong Off-Broadway Show at nakapasa po ako sa audition para sa Working The Musical na ipalalabas po ngayong November 2023. Kaya puspusan po ang aming rehearsals ngayon.”

Dagdag niya, “Ako rin po ang gumawa ng official theme song ng TOFA (The Outstanding Filipino Award) Global 2023 and may dalawang versions po siya. Isang group version na kinanta po ng TOFA Performing Artists at may solo version po ako, na bale composer edition po… ang title po ng song is Pride Of The Philippines.

“Bale sa October 27, 2023 na po ang Awards Night ng TOFA sa Zipper Concert Hall sa LA, California and I am proud and honored po na isa ako sa mga recipients ng US Presidential Volunteer Service Award,” mahabang pahayag pa niya.

Super hataw ang career niya talaga this year, mula sa pagiging singer, recording artist, composer, at theater actor. Masasabi ba niyang ang taong 2023 ang best year niya?

Tugon ni Gene, “Yes po, masasabi ko pong itong 2023 ang Best Year ko po so far, when it comes to my singing career…

“By the way po, isa rin po pala ako sa mga performers sa Comeback Cabaret Show po na gaganapin sa Don’t Tell Mama Cabaret Club sa Manhattan, New York ngayon pong October 22, 2023 sa ganap na 7:30 pm.”

Ang isa pang aabangan naman sa kanya ay ang Look At Me Now, na first English OPM single ni Gene.

Congratulations sa iyo Gene at more power!

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …