COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NARAMDAMAN ko ang kalungkutan ni Billy Joe Crawford nang nag-post siya sa social media habang nasa NAIA papuntang Virginia sa USA.
Kailangan niyang pumunta agad sa Virginia dahil hindi na yata maganda ang kalagayan ng ama. Basta sabi niya sa akin ay he is going to visit his dad and say goodbye.
Malungkot din siya na hindi niya maisasama ang mag-ina niya dahil parehong may sakit. Kaya sobrang lungkot ang nararamdaman ni Billy habang bumibyahe pa-America.
Pero excited na ang dad niya at ang mommy niya na si Mommy Mayette na makita siya.
Kaya sabi namin kay Billy at nag-message na rin kami kay Mommy Mayette ng aming pagdarasal para sa pamilya niya.
Ang sagot lang sa akin ni Billy ay, “God is a God Of Miracles.”