Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerald Napoles Athea Ruedas Crisanto Aquino

Jerald Napoles ‘nanakit’ ng mga manonood

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

EFFECTIVEpalang drama actor itong si Jerald Napoles dahil napaiyak niya ang halos lahat ng mga nanood sa premiere night ng kanyang pelikulang pinagbibidahan, ang Instant Daddy ng Viva Films.

Aba naman kahit may kaunting komedya pa rin ang pelikula, mas nanaig ang drama nito na ang istorya ay ukol sa isang lalaking super playboy na sinubok ng pagkakataon nang magkaroon ng anak. Anak na nagturo sa kanya ng tunay na pagmamahal at pagpapahalaga sa isang relasyon.

Masaya silang namuhay ng batang noong unang ibigay at ipagkatiwala sa kanya ng dating syota ay ayaw panindigan o pangalagaan. Subalit dumating ang panahong naging importante na ang batang iniwan sa kanya. Nagkaroon lamang ng problema nang magpakita ang inang nag-abandona ng matagal na panahon sa bata.

Pero wait hindi rito nagkaroon ng problema. Mas may malalim pang nangyari na tiyak ikaloloka at ikawiwindang ninyo. 

Sa pelikulang ito nasabi naming magaling palang mag-drama si Jerald. Hindi lang siya pang-komedya, pang-drama pa. No wonder ganoon siya ka-proud ipapanood sa kanyang love of his life na si Kim Molina ang Instant Daddy. Buong ningning na sinuportahan ni Kim si Jerald gayundin naman si Jerald na nagpa-selfie pa sa audience para maikompara ang hitsura ng mga nanood bago at pagkatapos ng pelikula.

Kung bakit ipinagawa ito ni Jerald, watch na lang kayo sa mga sinehan na palabas na simula kahapon.

Maayos din ang pagkakalatag ng istorya dahil na rin sa magandang pagkakadirehe ni Crisanto Aquino na talagang pumiga sa galing ni Jerald para maayos na magampanan ang karakter sa family drama movie.

Bukod kay Jerald, kasama rin sa pelikulang ito sina Athea RuedasRyza Cenon, at Danita Paner.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …