Saturday , November 16 2024
Luis Manzano Its Showtime

Showtime hosts sasamantalahin pamamasyal; staff at crew lalagare kay Luis

HATAWAN
ni Ed de Leon

SIMULA sa Sabado ay hindi muna mapapanood ang suspendidong It’s Showtime hanggang Oktubre 28. Bale 12 days kasi silang suspended. Ang balita ang mga host nila ay sasamantalahin ang panahong iyon para mamasyal naman sa abroad. Hindi rin naman mangyayari ang labis na kinatatakutan ni Sen Bong Revilla na mawawalan ng trabaho ang staff at crew ng show sa loob ng dalawang linggo. 

Bagama’t iiral pa rin ang no work no pay policy dahil sila ay contractual workers at wala nga ang nasuspinde nilang show, sila rin naman yata ang binigyan ng two weeks contract para sa kanilang alternate show. Matindi rin ang show na ipapalit nila ng dalawang linggo sa Showtime, ito iyong show nina Luis Manzano,Robi Domingo at iba pang malalaking stars. May nagsasabi nga na dapat kabahan ang kalaban nilang noontime shows dahil malalaking stars ang hosts, at ang sabi magbibigay daw ng malalaking papremyo sa audience.

Pero ano nga ba ang magagawa sa isang show na ang nakatakdang buhay lang ay 12 araw, at tapos ay wala na. Maglalabas ba naman sila ng ganoon kalaking puhunan para sa show na iyan eh ibabalik din naman nila ang Showtime? Maniniwala kami na lalagyan iyan ng malaking puhunan kung sasabihing sila na nga ang kapalit ng Showtime. O kung pagbabalik ng suspendidong show, iyang substitute program nila ay gagawin nilang pre-programming ng Showtime, o kaya ay post programming niyon. After all kailangan na nilang mag-develop ng bagong programa talaga dahil hindi na makaabante ang ratings ng Showtime sa mga kalaban nilang palabas, kahit na sinasabi nilang pinanonood daw kasi iyon sa internet. 

Bakit mo igigiit iyon eh ang labanan ay sa audience sa free tv, para gumanda ang sales mo? Siguro kung mas magiging maganda nga ang resulta ng substitute show, hindi ang mga kalaban nila ang dapat na matakot kundi ang Showtime mismo. Malampasan lang ng substitute show ang Eat Bulaga, kahit na hindi nila talunin ang TVJ, aba eh dapat kabahan na ang Showtime, dahil hindi nila nagawa iyon, at para sa isang content producer na kagaya ng ABS-CBN na nagbabayad pa ng blocktime sa mga estasyong nilalabasan nila, baka nga delikado nang mapalitan sila.

Hindi mo masabi eh, kung pagbabatayan ay ang pelikula, kaunti na ang mga pelikula ni Vice Ganda at hindi na gaya ng dating sunod-sunod. Sa film festival kung ilang panahon na lagi siyang top grosser, tinalo siya ng pelikula ni Aga Muhlach, at noong nakaraang taon, tinalo pa siya ng pelikula ni Nadine Lustre. Mukhang nagkakaroon na ng sawa factor at maaaring iyan din ang dahilan kung bakit hindi na makahabol ang kanilang ratings sa mga kalaban nila. Noon tinatalo sila ng Eat Bulaga, pero hindi pansin iyon dahil talaga namang matagal na ang noontime supremacy ng TVJ. Pero ngayon na lumipat na ang TVJ, sa kung sabihin nila ay mas mahinang estasyon ay number one pa rin iyon. Pero kung noong dati ay number two ang Showtime dahil dalawa lang silang naglalaban, nagyon ay naging number three pa siya dahil tinalo sila ng Eat Bulaga na bago at hindi naman maikakailang hindi ganoon kalakas ang hosts. Binabash pa ang Eat Bulaga, pero hindi pa rin nila malampasan. Magiging eye opener iyan sa ABS-CBN kung lalampas ang substitute program nila kahit na sa Eat Bulaga lang. Huwag na sa TVJ, masyadong mataas na ambisyong iyon. Talunin na lang nila ang Eat Bulaga ok na iyon.

About Ed de Leon

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …