MA at PA
ni Rommel Placente
SA guesting din ni Alden Richards sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin niya kay Kuya Boy Abunda na na-fall siya sa dating ka-loveteam na si Maine Mendoza.
Tanong ni Kuya Boy kay Alden, “Did you fall for Maine?”
Na ang sagot ni Alden, “Yes po. Hypocrite po ako kung hindi. And yes po, ayoko pong sabihin na alam niya, pero I did confess.”
Inamin din ni Alden na nagkagusto siya kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, pero hindi ito nalaman ng beauty queen na engaged na ngayon kay Jeremy Jauncey.
“Since sa ‘Eat Bulaga!’ po, siyempre best friends sila ni Pauleen Luna, every now and then, si Pia would go there to say hi, hello to Pauleen, tapos nag-uusap sila.
“As in nakikita ko po siya nang hindi naka-glam so very… wala rin pakialam. ‘Yung puso mabuti.
“And then, after she won, I saw her biglang parang grabe… I can attest that she has remained the same,” aniya pa.