HARD TALK
ni Pilar Mateo
SA naikuwento ng producer ng Mentorque Productions na si John Bryan Diamante, malamang na si Piolo Pascual na ang tanghaling highest paid actor sa bansa sa ngayon. Sa tinanggap nitong offer na Mallari sa kanya.
Hindi nag-demand ng fee si Piolo. Pero dahil sa nakitang effort at super husay na performance nito sa tatlong katauhan sa ibinase sa istorya ng isang paring naging serial killer dahil sa pagmamahal sa kanyang ina, na tumawid sa dalawa pang panahon, it’s worth na bigyan ng angkop na kapalit ang aktor sa kanyang pinaghirapan.
Kaya naman ganoon na lang ang dasal ng produksiyon na sana ay makabilang ang Mallari sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre.
Dahil ang tema nito ay pasok bilang isang horror film at maipagmamalaki rin ang mga co-actor ni Piolo sa proyekto gaya ni former Miss Universe (1969) Gloria Diaz, Janella Salvador, Elise Joson and JC Santos.
Masayang-masaya si Bryan dahil sa working habit ni Piolo. Ni kapirot ay hindi sila binigyan ng sakit ng ulo.
Gaya ng minsang napuno na ito ng putik sa isang eksena at kinailangang maligo na for his next scene.
Nagpakuha na lang ito ng galon ng tubig na may gripo at kung saan siya nakatayo eh doon na naligo.
“Mas magtatagal pa kasi kung dadalhin pa namin siya sa hotel para maligo pa. Kaya nagpakuha na lang ng tubig. ‘Yung may lalagyan na may gripo. ‘Yun na ang shower niya. Napaka,down-to-earth.
“Siya rin naman nagulat the first time na tumuntong siya sa set. Kasi, we recreated a cemetery doon sa Pampanga. At lahat naka-ready na. He was blown away. Kasi, it was the first time rin na in-allow ang isang produksiyon to use a camera na ginagamit na sa Hollywood. At bago mo ito gamitin, ipinagpapaalam pa sa distributor nito. Para maging tama ang gamit niya.”
Mallari boasts of so many factors. Mula sa direktor na si Derick Cabrido. At sa director of photography o cameraman na talagang inilabas sa kanyang lente ang horrific scenes ni Piolo at mga kasama.
You get goosebumps, yes (base pa lang sa trailer shared) at sa texture ng pelikula. Na alam mong ginastusan nang todo!
Let’s make the Pinoys enjoy the season.