I-FLEX
ni Jun Nardo
MAGSILBING babala ang pag-aresto sa drag artist na si Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay na inaresto ng Manila Police noong Miyerkoles.
Isang warrant of arrest ang inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 36 laban kay Pura para sa kasong immoral doctrines, obscene publications and exhibitions and indecent shows.
Umani ng kritisimo mula sa religious groups ang ginawa ni Pura dahil sa drag performance niya ng Ama Naminhabang nakadamit Jesus Christ.
Ang halagang P772K ang rekomendang piyansiya ni Pura.
Sa totoo lang, hindi porke drag artist ka eh licensed ka nang gawin ang gusto mo. Kahit democracy ang form of government natin eh ang bawat karapatan may kaukulang obligasyon, huh.
Sumikat si Pura pero sa hindi magandang gnawa niya, huh. Bukod dito, may isa pang kasong naakamba kay Pura mula sa isang LGU.