Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pops Fernandez Viva Boss Vic del Rosario

Pops excited sa magiging apo, magpapatawag ng ‘LoliPops’

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BAKAS na bakas kay Pops Fernandez ang kasiyahan nang maurirat ang nalalapit niyang pagiging lola mula sa panganay niyang na si Robin Nievera

Kung ang iba ay takot na maging lola, si Pops ay kabaligtaran at talaga namang looking forward siya na ma-meet at maalagaan ito.

Sa pagpirma ni Pops ng management contract sa Viva natanong ito ukol sa nalalapit na pagiging lola.

I will be a loli [lola]. Pina-practice ko na sabihin sa sarili ko na magiging loli na ako. Yes tatawagin akonfg Loli Pops. At excited talaga ako,” anito sa isinagawang media conference sa pagpirma niya ng kontrata.

Ani Pops naihayag na rin naman nila sa kanyang vlog ang ukol sa nalalapit niyang pagiging lola by December or January.

So, we’re very excited for the new addition in our family. That’s gonna happen very soon, latter part of this year or early next year,” anang Concert Queen.

Naikuwento pa ng singer na gusto sana niya  ng babaeng apo subalit lumabas sa gender reveal lalaki ang magiging apo.

Gusto ko sana girl. Alam naman nila ‘yon.

“But of course, a baby is a baby, as long as he is healthy. He’s such a blessing and we can’t wait to meet our new baby boy in our family,” saad ni Pops. 

Kaya pala gusto ni Pops na babaeng apo ay para twinning sila nito sa mga outfit. Pero pwede pa rin naman daw niyang gawin iyon sa lalaking apo.

Mula sa mga kaibigan pala niya  ang pagtawag ng loli Pops sa kanya.

My friend long time ago. It got stuck in my mind. So, sabi ko, ‘Ay, maganda ’yan. Sige, ‘pag naging granny na ako gusto ko ang tawag sa akin ‘loli.’ So I will be a Loli Popr very soon,” sabi pa ni Pops.

Nasabi rin ni Pops na tiyak magiging  spoiler lola siya. Game rin siyang alagaan ito, “Pero ‘pag napagod na kami, return to sender. Hahahaha!”

Sa kabilang banda sinabi rin ni Pops na nagparinig siya kay Boss Vic del Rosario sa posibleng maging project niya sa Viva.

Nagparinig ako kay Boss Vic, pinag-isipan ko ng sobra-sobra, sabi ko, ‘Boss Vic parang gusto kong mag-movie uli, pero hindi dramatic,’ hahaha.

“Ayaw ko ng super iyak, ‘yung something light lang and something positive. Again, that’s nothing new but I haven’t done a movie for a long time and concerts of course.

Now that I’m singing again I’m excited to do more shows hopefully tv shows again, so marami pa at digital world na there’s so many possibilities. And again I’m more than excited to do all of this and start working again, though I’m working naman pa rin,” sabing tsika pa ni Pops.

Sinabi naman ni Boss Vic na, “We’re excited to have Pops with us. Pops talagang andyan pa rin naman and full time na siya ngayon and noong nagkita kami sabi ko, ‘why don’t you go back sa movies? Umarte ka and ginawa nga namin iyong sa TV5, ‘For the Love,’ magaling na host, one of the best host natin sa Pilipinas and plano rin naming makapag-record and makagawa ng maraming endorsements.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …