Monday , May 12 2025
Benny Abante

Insentibo sa senior citizens
P1-M SA EDAD 101 ANYOS, KATUMBAS NA LIBO-LIBO SA EDAD 70, 80, 90 ANYOS
Isinusulong ni Abante

KAPAG tuluyan nang lumusot sa Kamara De Representantes ang panukalang batas ni Manila 6th District congressman Benny Abante, Jr., hindi na kailangang umabot pa sa 101 anyos ang isang senior citizen bago makatanggap ng insentibo mula sa pamahalaan.

         Sa mga aabot ng edad 101-anyos hindi P100,000 kundi P1 milyon ang igagawad.       

Sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Harbor View ng Manila City Hall Reporters’ Association bilang solo guest,  sinabi ni Abante, sa kanyang  panukala ay ibinaba niya ang edad ng senior citizen na mapapabilang sa tatanggap ng cash reward at ito ay magsisimula sa edad 70 anyos.

Ang halaga ng tatanggaping cash reward ay depende kung ilang taon na ang senior citizen. Kapag umabot ng 70 anyos, siya ay tatanggap ng P70,000; ang  80 anyos ay P80,000; ang 90 anyos ay P90,000 at kapag 101-anyos ay tumataginting na P1 milyon.

Sa kasalukuyan, kailangang umabot ng 101 anyos ang isang senior citizen bago makatanggap ng P100,000 sa gobyerno.

Ani Abante: “Kasi ‘yung P100,000 parang ayaw pang ibigay e. Ilan ba rito ang inaabot ng 101 years old?”

Dahil dito, sa ilalim ng panukalang batas, nais ni Abante na ang senior citizens ay magsimula nang tumanggap ng  “cash rewards” mula sa gobyerno sa edad na 70 anyos, kung kailan mae-enjoy nila ang kanilang insentibo.

“Pag umabot ng 70 years old, bigyan ng P70,000. ‘Pag 80 years old, P80,000. ‘Pag 90 years old, P90,000. I believe our senior citizens ought to be rewarded for what they did for the nation and their family in the past. This is not subsidy or ayuda kundi a reward for them,” saad ni Abante.

“Dapat ibigay na natin ang regalo sa mga senior citizens at ‘di na kailangan pang umabot sila sa 100 years old,” giit ng mambabatas.

Para mapabilang sa qualified na seniors na tatanggap ng cash reward, sinabi ni Abante na kailangan ipakita ng senior citizen ang ID card mula sa Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA), ang tanging tanggapan, sa ilalim ng umiiral na batas na awtorisadong mag-isyu ng identification cards sa kanilang nasasakupan.

Bilang kanyang adbokasiya, sinabi ni Abante, ang pangunahin niyang itinataguyod ay ang kapakanan ng senior citizens at persons with disability (PWDs).

Itinutulak din ni Abante na alisin ang value added tax (VAT) sa mga motoristang senior citizens kapag sila ay nagpapagasolina at kung sila kung sila ay nagbabayad ng renta kung nangungupahan. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …