SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAPASO noong Mayo 2023 ang kontrata ni Carla Abellana sa GMA 7 kaya hindi hindi nakaligtas ang itinuturing na drama goddes na mabalitang posibleng lumipat ng ibang network.
Kaya naman sa pagpirma ni Carla ng kontrata bilang pinakabagong alaga ng All Access to Artists (Triple A) na siya ring nangangalaga kina Marian Rivera at Maine Mendoza, napag-usapang ang mga bali-balitang paglipat ng ibang bakuran.
Ani Carla, “‘Yung akin pong kontrata sa GMA, nag-expire noong May. So, medyo matagal na rin pong expired, four months.
“Baka roon nagsimula. Siguro, dahil question mark pa rin, parang kumbaga, nag-expire ang aking network contract, Wala pang renewal.
“Of course, wala pa pong signing or anything. Kaya siguro may mga nakakasingit (balitang paglipat) kasi question mark pa rin.
“Kumbaga, wala pa tayong masasagot. Kasi it’s the truth naman na wala naman akong pinipirmahan pang kontrata with any network,” paliwanag ng aktres na fresh na fresh ang hitsura nang humarap sa entertainment press.
Iginiit ni Carla na Kapuso pa rin siya. “Ang priority ko ngayon, ang negotiation ko na network contract basically.
“Of course, kagaya noong nabanggit ko. Nag-expire na ang aking GMA contract noong So, ‘yun ang pinaka-priority ko sa ngayon.
“Because ‘yun ‘yung trabaho ko talaga. That’ my home network. I value that so much, kasi ‘yun ang aking regular job, that’s my home network. So, roin talaga ako naka-focus sa ngayon,” sambit pa ng drama goddess.
“Ever since naman, Kapuso po ako, 14 years na po.
“Of course, I would love to stay. My loyalty is with GMA. Sino ba naman po ang hindi gusto mag-stay, ‘di po ba? Nandiyan na, eh. ‘Yun na po, eh, ‘yun na po ‘yung buhay ko.
“Siyempre, kilala mo na ang lahat na taong nandiyan. Nandoon na ‘yung trust. Nakapag-build na po ng family diyan.
“So, siyempre, ‘yun ‘yung gusto ko. ‘Yun ‘yung wish ko. ‘Yung priority ko na mag-stay sa home network,” giit Carla.
Ukol naman kay Tom Rodriguez, napatawad na niya ito.
“Nahanap ko na ‘yung aking peace, ‘yung talagang naisara ko na ‘yung chapter na iyon ng aking buhay. Lagpas-lagpas pa, kumbaga, sa pagmu-move on. So, masayang-masaya.
“Definitely masaya ako ngayon sa buhay ko. I’m happy where I am pati sa kung sino ako today.”