Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Sikat na loveteam ‘di pa man umaamin hiwalay na

MA at PA
ni Rommel Placente

TOTOO kaya itong nakarating sa amin na umano’y hiwalay na ang isang sikat na loveteam?

Ayon sa kuwento ng aming reliable source, two months na raw break ang magka-loveteam. Ang dahilan umano, ay nasasakal na raw si young actress sa relasyon nila ni young actor. Masyado raw kasi itong mahigpit, na kailangang ipaalam ni young actress sa dating boyfriend ang lahat ng gagawin niya, at kung saan siya pupunta. 

Na noong minsan daw na may pinuntahan itong si young actress, na hindi ipinaalam sa young actor, ayun at inaway umano siya nito.

May gagawing serye ang magka-loveteam sa isang malaking network. At kahit hiwalay na sila, no choice sila, kundi gawin ‘yun, dahil may contract sila rito.  

Sa taping nila para sa serye, siguradong mag-uusap lang sila kapag magkaeksena. Pero after niyon, dedmahan na ang mangyayari. Pero tiyak mapapansin ‘yun ng production staff, at iisipin ng mga ito na baka may tampuhan lang. Na hindi nila alam  na hiwalay na ang magka-loveteam.

Wala kasing kaalam-alam ang network na pinagtatrabuhan ng magka-loveteam na nagkanya-kanya na sila ng landas. Hindi kasi nila ipinaalam sa kani-kanilang handler.

Pero bongga ang source namin, dahil nalaman niya ang hiwalayan ng sikat na loveteam, ‘di ba?

At ang source namin, ay hindi nakukuryente, huh! Noong chinika niya sa amin ang paghihiwalay ninaBea Alonzo at Gerald Anderson, na idinaan namin sa blind item, ayun after ng ilang mga araw ay umamin ang dalawa na hiwalay na nga.

So, posible ngang hiwalay na itong isang sikat na loveteam? 

Sino ang loveteam na tinutukoy namin? 

Well, hindi pa sila umaamin na may relasyon na sila kahit obvious naman na sila na. Lagi nilang sinasabi sa mga interview nila na close friends lang sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …