Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana Marian Rivera Maine Mendoza Pilo Pascual

Piolo, Maine, Marian gustong makatrabaho ni Carla

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BONGGA ang pag-welcome ng All Access to Artist kay Carla Abellana na maging isa sa kanilang pool of talents. 

Ayon kay direk Mike Tuviera, President at COO ng Triple A ay very careful sila sa pagtanggap ng mga talent at hindi sila sa number of talents. Mas okey ang kaunting talents at mas natututukan nila ang bawat isa at nabibigyan nila ng tamang proyekto.

Si Carla ay dating nasa pangangalaga ng Luminaire Talent Agency na isa rin si Tom Rodriguez sa mga talent doon. Kaya marami ang nag-speculate na kaya umalis si Carla roonay para makaiwas kay Tom.

Pero itinanggi ito ni Carla at kung ‘yun ang rason ay matagal na siyang nagpaalam kay Popoy Caritativo. Maayos ang pamamaalam ni Carla kay Popoy at wala silang samaan ng lob ng dating manager at gusto niyang sumubok ng ibang management.

May gusto pang ma-achieve si Carla.

Wish ni Carla na makasama sa mga project ang mga talent ng Triple A gaya nina Marian Rivera at Maine Mendoza

Nangangarap din siyang makasama si Piolo Pascual sa isang project. 

Buwan ng Mayo pa pala nag-expire ang contract niya sa GMA at ongoing ang negotiation. Itianggi niyang may offer ang Batang Quiapo na makasama siya sa nasabing programa. 

Hindi pa siya handa na magkasama  sila ni Tom sa isang programa although napatawad na niya ito. 

Inamin naman ng drama goddes na maraming non-showbiz na nagpaparamdam sa kanya. Pero wala siyang love life sa ngayon.

Hangang-hanga sa kanya ang press people sa pagiging straight at prangka. Walang hindi niya sinagot sa bawat tanong na ibinato sa kanya ng mga kasamahan sa panulat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …