Sunday , December 22 2024

Tsokolateng dollar bills

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

NA-HULICAM sa umano’y paglunok ng dollar bills na nagmula raw sa wallet ng isang pasaherong Chinese, naghain ng counter-affidavit ang babaeng scanner sa Office of Transportation Security (OTS) upang igiit na chocolates daw ang kinakain niya nang mga oras na iyon.

Lantarang insulto naman ‘yun sa katalinuhan natin. Malayong-malayo ang lasa ng cocoa sa one-hundred-dollar bills. Kahit magtanong pa siya sa bata, sasabihin nito sa kanya ang lasa ng chocolate gold coins! Akala ko maglalabas siya ng magic trick kinabukasan at ibibida sa ‘TikTok’ kung paanong dolyar ang pumasok sa kanyang katawan, pero peso bills na nang lumabas.

Sa totoo lang, hija, ang diet mo ay parehong hindi ligtas, o masama sa kalusugan, at iresponsableng pangangasiwa sa pera. Ang paglunok ng perang papel o pagkain ng matatamis sa sapilitang pagsasalaksak nito sa lalamunan gamit ang mga daliri, na susundan ng paglagok ng tubig, ay hindi ang tamang pagkain ng chocolates ng mga kakilala kong mahilig dito.

Ikinagulat natin ang video, maging ni Transportation Secretary Jimmy Bautista, na mistulang mas tinamaan pa ng hiya sa seryosong implikasyon ng sitwasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaysa mismong OTS.

Ang NAIA ang premier gateway ng ating bansa, at sobrang kahiya-hiya ng nangyaring ito na hindi lamang kumakatawan sa airport kundi maging sa ating mga Filipino.

Hindi pa rin nasasagot ang tanong: Sino ang nagnakaw ng pera, at sino ang dapat managot? May isa pang ideya: Tanungin na lang kaya natin si Vice President Sara Duterte kung pareho rin ba ang nangyayari sa confidential at intelligence funds – kinakain ‘tsaka mananahimik.

Dagsa ang apela na patawan ng pinakamatinding parusa ang babaeng scanner, hindi simpleng tapik-sa-kamay na suspensiyon, upang malinaw ang mensahe na ang ganitong gawain ay hindi kailanman kokonsintihin. Umasa tayo na magsisilbing wake-up call at paalala ang insidenteng ito na hindi karapat-dapat ang mga ganitong kahihiyan sa ating mga paliparan.

Usapang barangay

Ngayong papalapit na ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE 2023), kailangan kong iparating sa kinauukulan ang mga hindi ko masasagot na katanungang ito na ipinadala sa Firing Line:

Una, Mayor Joy Belmonte, gaano katotoong sa ating District 3 dito sa Quezon City ay may barangay na kakaiba ang implementasyon ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program? Ayon sa ilang residente, ang 60-araw kontrata sa magagaang na trabaho, tulad ng pagwawalis sa kalsada, ay itinatakda lang daw sa 15 araw dahil sa oras na magparehistro sa programa, ang unang 15 araw na susuweldohan ay awtomatiko raw na minamarkahan bilang claimed, o bayad na.

Sa Valenzuela City, totoo ba, Mayor Wes Gatchalian, na isang malaking barangay sa District 2 ang mayroong kandidato para kapitan na, kasama ang mga kandidato para kagawad, ay palihim na nakikipagpulong sa mga community leaders at mga botante, kung saan pansamantala pa raw kinukumpiska ang kani-kanilang cellphones habang pinaplano ang gagawing vote-buying? Ang dinig ko pa nga, ang budget ni “Mr. Candidate for Chairman” ay nasa P10 milyon.

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …