Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Cuenca Chie Filomeno

Jake ratsada sa kabi-kabilang show, puso ‘di pinababayaan 

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGHAHANDA na si Jake Cuenca para sa finale ng Iron Heart na kukunan sa Japan matapos nilang mag-shoot sa Italy.

“Na-pressure sila! Ha! Ha! Ha! So we have to do a better finale. It’s gonna be crazy. This is gonna be the biggest fight that we’ll gonna shoot so far!” balita ni Jake nang makausap ng ilang media sa intimate interview.

Malungkot man siya dahil magtatapos na ang Iron Heart extended naman ang sitcom niyang Jack En Jill sa TV5.

Ang sitcom lang nila ni Sue Ramirez ang binigyan ng extension ng TV 5 na show. “Kai-start pa lang namin ng second season, extended na agad ang sitcom. Wow!” masayang sabi pa ng aktor.

“We wanna show something na first sa television! Mano-mano, swords and we are already rehearsing our fights!”saad pa ni Jake.

Punompuno na ang schedules ni Jake. Gusto pa niyang gumawa ng kakaibang play para sa kanyang birthday bago matapos ang taon. May isa pa siyang series na gagawin.

“Nakapag-rest na ako ng ilang taon noong pandemic.  Invigorated na. Now, I know may talent now!  I’ve to embrace this industry!

“So, it’s time to work, work and work!” diin niya.

Eh kumusta ang lovelife naman niya sa pagiging busy?

“I am only seeing one person. Marami siyang gustong mangyari sa career niya. She works so hard! I’m just here for her,” sey niya na ang tinutukoy ay si Chie Filomena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …