I-FLEX
ni Jun Nardo
MAGBABANGAAN sa tanghalian ang young stars na maganda na eh magaling pang sumayaw. May kalaban na si Cassy Legaspi ng Eat Bulaga dahil pumasok na sa E.A.T. si Atasha Muhlach na isa sa kambal ding anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
Ipinakilala na si Atasha last Saturday sa E.A.T. at nagpasilab na ng galing sa pagsayaw.
Pinayagan na ng kanyang mga magulang si Atasha dahil graduate na ito ng kanyang pag-aaral.
Kailangan ng E.A.T. ng new breed of female young stars lalo na’t may asawa na sina Maja Salvador at Maine Mendoza, huh. Eh kung mabuntis nga naman, ready na ang E.A.T. sa kapalit.