Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ER Ejercito si Barbie Forteza Nora Aunor Vilma Santos David Licauco

ER Ejercito ikinompara si Barbie kina Nora at Vilma

RATED R
ni Rommel Gonzales

Para kay ER Ejercito si Barbie Forteza ang next Nora Aunor o Vilma Santos.

Ayon pa rin sa dating gobernador ng Laguna,  ang loveteam nina Barbie at David Licauco ay maikukompara sa tambalan noon nina Nora Aunor at Tirso Cruz III na Guy and Pip.

Grabe naman po ‘yun, Gov,” ang unang reaksiyon ni Barbie sa sinabi ni ER.

Paano ko ba sasagutin ‘to?

“Naku po, dalawa po ‘yun sa pinaka-iniidolo ko sa industriya natin. So, siguro nagpapasalamat na lang ako dahil sa isang very iconic actor like gov na mapansin ‘yung trabaho ko is such a fulfilling moment for me. Enough na ‘yun, masyadong mataas ang Ms. Nora at Ms. Vilma.

I’m just happy na some of our respected actors today ay napapansin ang trabaho natin, ‘yun na lang po, maraming salamat po.”

Kumusta ang mga actions scene nila? Sila ba ni David lahat ang gumagawa o may stunt double sila?

Secret po,” at tumawa si Barbie. “Basta gusto ko lang po i-commend ang dedication and effort ni David to pull off his character.

“Kung hindi po ako nagkakamali, he insisted on attending personal acting workshops, stunt workshop, training, yes, which he insisted personally.

“So knowing a guy like him na sobrang busy, will really make time para mas ma-improve ‘yung craft niya, and mas ma-pull off ng maayos ‘yung character niya sa project na ‘to, so just so proud of him for doing that.”

Dagdag pa ni Barbie, “I’m just really excited dahil ang ganda po ng kinalabasan ng lahat ng ginawa namin, ‘yung pinaghirapan namin sobrang ganda ng outcome, so sobrang overwhelmed siguro and sobrang excited na finally maipalabas na sa TV.”

Kasama rin dito sina Juancho Triviño, Faith Da Silva , Mikoy Morales, Rain Matienzo, at sina Jeric Raval, Jean Saburit, Juan Rodrigo, Antonio Aquitania, at Jean Garcia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …