Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kapuso Mo, Jessica Soho KMJS Asia Contents Awards

KMJS nominado sa Asia Contents Awards;  Facebook followers 30M na 

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULI na namang itataas ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang bandera ng Pilipinas sa international scene. Nominado ito sa 2023 Asia Contents Awards & Global OTT Awards para sa Sugat ng Pangungulila story nito sa kategoryang Best Reality and Variety. 

Ito rin ang kuwentong nag-uwi ng Gold World Medal sa 2023 New York Festivals. Bongga ang KMJS dahil ito lamang ang Philippine nominee sa nasabing category. Kapwa nominado ng KMJS sa kategoryang ito ang mga programa mula sa Korea at Vietnam. Sa Oktubre iaanunsiyo ang winners at gaganapin m sa Busan, Korea.

Online, nananatili ang KMJS na most followed Philippine TV program sa Facebook. Pumalo na nga sa 30 million ang followers ng programa sa nasabing social media platform. 

Dasurv naman talaga ng KMJS ang mga award at milyon-milyon nitong followers. Tuwing Linggo, pinagbubuklod nito ang pamilyang Filipino para sa mga kuwentong talaga namang very entertaining, inspiring, at educational. 

Congratulations sa well-deserved achievements, KMJS.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …