Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Donita Nose Super Tekla

Donita ‘di kayang basta itapon pagkakaibigan nila ni Super Tekla

MA at PA
ni Rommel Placente

NANG sumalang si Donita Nose sa “hot seat” ng Kapuso weekly talk show na Sarap, ‘Di Ba? natanong siya ng host nitong si Carmina Villarroel kung bumitiw na nga ba siya sa pagkakaibigan nila ni Super Tekla at propesyonal na lang ang kanilang samahan?

Noong kasagsagan kasi ng pagiging pasaway at pag-a-attitude ni Super Tekla, ay iniyakan talaga ito ni Donita Nose. 

Inamin nga niya na sinukuan niya na ang friendship nila ng ka-tandem sa pagpapatawa.

Napa-‘Oh my gosh!’ muna si Donita sa tanong sa kanya ni Carmina, bago siya nagsalita tungkol sa nangyaring falling out sa kanila ni Super Tekla.

Kinausap ko ‘yon (Tekla). Actually, nasa vlog namin ‘yon. ‘Yung umiyak na talaga ako. Sobrang wala, desperado na ako na parang hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya,” simulang pagbabahagi ni Donita.

“Sumuko talaga ako that point. Siguro mga ano rin, nine months kaming hindi nag-usap,” aniya pa.

Kasunod nito, muli silang nagkausap at sa awa naman naman ng Diyos ay naayos nila ni Tekla ang kanilang mga issue sa buhay.

Okay naman na kami. Siya kasi medyo ‘yung utak talaga minsan ganoon. Minsan 

nawawala, nagaganito, nagaganyan.

“Ako kapag gusto ko siyang ayusin, to the point na kaya ko naman at kaya kong tumulong, kaya ko siya pagsabihan, ginagawa ko naman. Pero kung ‘yung tao kasi hindi na talaga kaya ‘yung mga sinasabi ko talagang bibitaw ka.

“Siya naman nag-reach out. Sabi niya, ‘Te halika na mag-vlog na tayo ulit. Kakatapos lang ng tour namin, ‘yung Canada. May upcoming shows pa kami na magkasama,” patuloy pang chika ni Donita.

Minsan na rin niyang kinausap si Tekla na trabaho na lang ang isipin nila at kalimutan na ang kanilang pagkakaibigan. Pero sey ni Donita parang hindi rin nila kaya ni Tekla ang balewalain na lang ang lahat ng kanilang pinagsamahan.

Minsan sinasabi ko sa kanya na maging professional na lang tayo, trabaho lang tayo. Pero hindi pa rin, eh.

“Hindi mo pa rin talaga magagawa ng tama ‘yung trabaho ninyong dalawa kung mayroong namamagitan sa inyo na parang trabaho lang ‘to,” mariin pang sabi ni Donita Nose.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …