Sunday , December 22 2024
Dennis Trillo Bea Alonzo

Dennis-Bea wala ng ilangan sa mga maseselang eksena

I-FLEX
ni Jun Nardo

HUHUSGAHAN na ang reunion series nina Dennis Trillo at Bea Alonzo na Love Before Sunrise dahil sa September 25 ito mapapanood sa GMA pero sa streaming app na Viu eh sa September 23 ang simula ng streaming.

Eh dahil sabay ini-launch noon sa ABS-CBN, kabisado na ni Dennis si Bea.

Wala nang ilangan lalo na kapag hinahawakan ko siya sa katawan, sa braso.

“Eh pagdating naman sa acting, walang dudang magaling si Bea. Nagbibigayan kami para lumabas na maganda ang eksenang magkasama kami,” pahayag ni Dennis sa mediacon bago ang screening.

Mabigat ang tema ng serye na tungkol sa dalawang dating lovers, nag-asawa, at nagtagpo muli ang landas.

Pero sa ganitong sitwasyon, “Mahirap ‘yung ganoong sitwasyon lalo na kapag may asawa ka na. Hindi ko siguro magagawa ‘yon,” sabi ni Dennis.

Of course, si Jennylyn Mercado ang asawa ni Dennis ngayon at sa mga pahayag niya sa interview kay Boy Abuda, hindi siya magtataksil sa asawa.

Kapag alam kong doon na sa pagtataksil pupunta, ako na mismo ang lalayo sa babae!” rason ni Dennis.

Star studded na, powerful pa ang cast ng serye at magkatrabaho rito ang former couple na sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco pati na ang hindi much-publicise  relationship nina Sef Cadayona at Andrea Torres.

About Jun Nardo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …