Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SB19 Stell BTS

Stell naka-usap, nakilala ng personal ang BTS

RATED R
ni Rommel Gonzales

REBELASYON ang ikinuwento ni Stell ng SB19 na nakilala na niya ng personal noon ang grupong BTS.

Nangyari ang pasabog ni Stell sa latest guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda na inihayag niya ang unang pagkikita nila ng BTS na pinakasikat na Korean boy group sa buong mundo.

“‘Yung experience na ‘yun Tito Boy, sobrang fresh pa rin sa utak ko eh. Kasi noong time na ‘yun starting pa sila na group and ‘yung era po nila na ‘yun is parang ‘Danger’ pa.

“So ‘yung song po nila na ‘Danger’ iyon po ‘yung ipino-promote nila.”

Taong 2014 iyon na baguhan pa lamang ang BTS samantalng hindi pa nabubuo ang SB19.

Magkasama noon sina Stell at SB19 co-member na si Josh sa isang Filipino dance cover group, ang Se-Eon.

We were very lucky na kami ‘yung Filipino cover group na ipinadala ng Philippines that time to compete with other countries,” patuloy na kuwento ni Stell. “Super thankful din kami na pumayag ‘yung management nila na ma-meet namin sila backstage.

“For them, happy rin sila na ma-meet kami kasi sabi nila kami raw po ‘yung first Filipino cover group na na-meet nila.

“So we were very happy and lucky to have that interaction with them that time so super happy and blessed po kami. 

“Hanggang ngayon sariwa pa po sa isip ko ‘yung nangyari that time,” sabi pa ni Stell.

Nabuo ang SB19, kasama sina Pablo, Ken, at Justin noong October 2018.

At tulad ng BTS, sikat na sikat na rin ngayon ang SB19 hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa abroad.

Sa katunayan, masasabing si Stell ang pinaka-paboritong coach sa The Voice Generations na napapanood tuwing Linggo, 7:00 p.msa GMA.

Hosted by Dingdong Dantes, coach din dito sina Billy Crawford, Chito Miranda, at Julie Anne San Jose.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …