Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jean Garcia Barbie Forteza

Jean sa arte ni Barbie — nanggagaling sa heart, hindi siya umaarte

RATED R
ni Rommel Gonzales

BILIB si Jean Garcia kay Barbie Forteza.

Bata pa lang mahusay na siya, magaling talaga si Barbie eh,” umpisang bulalas ni Jean.

Kasi nanggagaling sa heart, hindi siya umaarte, kumbaga ‘yung character pinag-aaralan niyang mabuti.

“Alam niya na siya si Monique, alam niya na nanay niya ako, masama ang loob niya.

“Makikita mo kasi ramdam niya talaga, natural na lumalabas sa isang Barbie Forteza, pero hindi Barbie ‘yung lumalabas, kundi ‘yung character na minahal niya, kung ano man ‘yung show na ginagawa  niya, kaya magaling na artista talaga si Barbie.”

Bilang isang beteranang aktres challenging ba kay Jean kapag may katrabaho siyang artista na mahusay din?

Oo, siyempre!

Kasi walang magaling na artista kung hindi magtutulungan, kailangan nagbibigayan, hindi puwedeng ikaw lang ang magaling sa eksena, para maging maganda ang eksena dapat lahat kayo magaling.

“Ang ibig kong sabihin kapag professional ka kasing artista, kailangan marunong kang magbigay.

“At saka alam mo kung kailan ang eksena ay eksena or eksena niya, so ‘pag eksena niya, tutulungan mo siya, ‘pag eksena mo, hihingi ka ng tulong sa kanya, para mag-work ‘yung eksena, pareho kayong magaling.

“Hindi ‘yung parang eksena niya pero umeeksena ka pa rin, so pangit, at saka magmumukha kang OA, so hindi ka magaling, siya pa rin ang magaling.

“So, sharing lang po ito.”

Si Jean ay si Belinda sa Maging Sino Ka Man na pinagbibidahan nina Barbie bilang si Monique/Dino at David Licauco bilang si Carding.

Sa direksiyon ni Enzo Williams, kasama rin sina Juancho Triviño as Gilbert Arnaiz, Faith Da Silva as Cleo Ramirez, Mikoy Morales as Gordon a.k.a. Libag, Rain Matienzo as Tetay  at sina E.R. Ejercito as Boss Frank, Jeric Raval as Alex, Juan Rodrigo as Miguel, Antonio Aquitania as Jonas, at Jean Saburit as Shonda.

May special participation sa serye sina Al Tantay as Osmundo at Tonton Gutierrez as George.

Umeere ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood dib ito ng mga Global Pinoys sa GMA Pinoy TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …