Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dindo Fernandez Nora Aunor

Ate Guy wish makasama ng Soulful Balladeer sa isang concert

RATED R
ni Rommel Gonzales

KUNG magkakaroon ng isang major concert si Dindo Fernandez, may nais siyang maging espesyal na panauhin, ang Superstar na si Nora Aunor.

Si Ate Guy po, totoo po ‘yun! Alam niyo po kung bakit si Ate Guy? Ang nanay ko po 85 years old, pumipila kay Ate Guy at bumibili ng mga… sobrang Ate Guy po. Sobra po,” bulalas ni Dindo.

Talagang ‘yung ‘Pearly Shells’ naririnig ko noong bata pa lang ako, Nora Aunor po talaga.”

Pinasikat ni Nora noong 1971 ang kantang Pearly Shells.

Dalawang awitin na isinulat ni Dindo, ang Akala Ko at Makinig Ka ay nai-release nitong 2022 sa Spotify, iTunes, Apple Music at iba pang music platforms.

Naging nominado siya sa Aliw Awards 2022 bilang Best Male Performance in a Concert at Best New Male Artist of the Year.

Tinaguriang The Soulful Balladeer, regular performer si Dindo sa EF Café & Restaurant sa National Road, Madonna Subd. sa Alangilan, Batangas City tuwing Sabado, 8:00 p.m..

Kung gagawan ni Dindo ng kanta ang buhay niya, ano ang magiging titulo o pamagat?

Siguro gagayahin ko ‘yung title ng song na ‘Tagumpay Nating Lahat,’ kasi sa lahat ng mga ginagawa ko, I must say siguro nagagawan ko rin ng paraan para mapagtagumpayan lahat ng mga ginagawa ko sa buhay ko, so ‘Tagumpay Nating Lahat.’”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …