I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGDUDUDA ang maraming netizens kung totoo o hindi ang gimik ng isang social influencer kaugnay ng pagkakawala ng kanyang social media accounts.
Eh dahil madalas sumawsaw ang influencer na ito sa mga issue sa showbiz, sumikat siya.
Pero may ibinalita sa amin ang aming source na pakulo niya umano ang pagkakawala ng socmed accounts niya.
Soon, bigla na lang itong magkakaroon ng pasabog para sabihing bumalik na ang accounts niya.
True or not, sumikat ang influencer na ito kahit nega ang pagtanggap sa kanya ng netizens, huh.