MA at PA
ni Rommel Placente
AWARE ang mag-asawang Billy Crawford at Colleen Garcia na hindi lahat ng ipino-post nila sa kani-kanilang socmed accounts ay sinasang-ayunan ng kanilang mga follower dahil hindi naman talaga mawawala ang bashers at haters.
Naiintindihan nila ang kalakaran at sistema ngayon sa social media at alam nila na magkakaiba ang pananaw ng netizens sa mga isyu at kontrobersiya.
Pero ayon kay Billy, nakalulungkot lang na mas dumarami pa ang mga namba-bash at nambabastos para lang makapanakit at makapangharas ng ibang tao.
Sabi ni Billy sa guesting nila ni Colleen sa Fast Talk With Boy Abunda, “It’s hard because a lot of people will deliberately attack other people just to see people in pain, just to see others suffer.”
Sey naman ni Coleen, sa gitna ng pagiging toxic ng social media ay natuto na rin siyang balansehin ang mga ibinabahagi niya sa kanyang mga follower at supporters.
“It’s tricky Tito Boy because to be very honest, a lot of my work comes from social media, so I have to be active, I have to keep up whatever I’m doing,” sabi ni Colleen.
Patuloy niya, “Honestly I don’t get to post nowadays because of that pressure like, I don’t know, I feel it also. I think everybody does feel it.
“Like, is what you’re gonna post going to be dissected? Kasi minsan ‘di ba, you post something harmless and then kapag tingin mo sa comments, people have so many things to say.”
Hangga’t maaari l ay ginagawa nilang pribado ang kanilang buhay kahit na medyo “open book” na ang kuwento ng personal na buhay nila ni Billy.
“But it’s tough kasi it’s part of our work eh,” ani Coleen.
Hirit pa ni Billy, magkakaiba ang reaksiyon at pagtanggap ng mga tao sa mga post ng mga tulad nilang celebrity.
“Everyone translates everything differently. Magkakaiba ang tao. Kahit paano iba ang ‘Gu,’ ang tawag nila in French, iba ang taste.
“Everyone has their own tastes and everyone, iba-iba rin ‘yung patience nila for sensitivity, for certain topics.
“Kasi ang daming puwedeng pag-usapan pero ang dami ring puwedeng ma-offend, pero ang dami ring puwedeng matuwa. So it’s still a balance,” chika pa ni Billy.
Ayon pa sa mag-asawa, may pagkakataon na nagbabasa rin sila ng mga comment sa social media. Sey ni Billy, “I guess we are not emotionally attached.”
“Not as much as before,” sey naman kay Coleen.
“Also try to look at it in a more positive light. I have learned so much also, sometimes from people who mean well and who tell us ‘parang mali itong ginagawa mo.’
“I have learned a lot that way also and I have grown, and I have learned to be more considerate also for different types of people around me rin.
“So it helps also to hear them out sometimes when they are not just straight up bashers, they are not haters. Sometimes they mean well, you need to be open also to corrections,” sabi pa ni Coleen.