Monday , December 23 2024
Ethel Ramos Aga Muhlach

Manager ni Aga na si Ethel Ramos pumanaw sa edad 87

SUMAKABILANG-BUHAY na ang talent manager cum veteran entertainment columnist na si Ethel Ramosnoong Linggo ng hapon, September 10 sa edad 87.

Tinagurang Dean of Entertainment Writers si Manay Ethel kaya naman nagluluksa ngayon ang buong showbiz industry.

Sa official statement ng pamilya ni Manay Ethel, 5:38 p.m. noong Linggo ito bawian ng buhay. Wala pang ibinigay na dahilan sa pagpanaw ni Manay Ethel.

Narito ang opisyal na pahayag ng kanyang kapamilya ni Manay Ethel.

It is with a heavy heart that we announce the passing of our dearest Tita Ethel Ramos today, September 10 ,  5:38 p.m. She was 87.

“The family requests for prayers at this time of great sorrow and grief.

“Godspeed, Dean.”

Samantala, sobra-sobra naman ang kalungkutan at sakit na naramdaman ni Aga Muhlach sa pagpanaw ng kanyang manager.

Sa Instagram post nito aminado siyang hindi niya alam kung saan siya magsisimula dahil sobra siyang nasaktan sa pagkawala ng manager na 30 taon silang nagmahalan, nagtawanan, bumuo ng pangarap at kung ano-ano pa.

Kasama ng picture ni Manay Ethel narito ang kabuuang post ni Aga.

Rest and go in peace my dearest ‘ta Ethel. Don’t even know where to begin… 30 years of love, laughter, arguments, tsismis, pangarap, hard work to name a few We all shared together and we just loved and embraced each other.

“I will miss you. I am forever grateful to you and what you’ve done for me. We’ve talked about death so many times that we both know we are ready. Lahat naman tayo dadating diyan.

“So much more to say but I’ll just leave it at this. Mahal ka naming lahat na tinulungan at minahal mo. Habambuhay ka sa puso ko.

“Pls pray for us na naiiwan pa dito. Rest in eternal peace dearest tita Ethel. I love you very much. Don’t worry about me, you’ve taught me so much in life. We’ll be just fine. Hurt, sad but kaya to.

“Again, rest in peace. You are with our creator now (emoji praying hands), Your son, Aga. Ang Dami ko pa gusto sabihin…. D ko na din alam.. basta.”

Sa kabilang banda sa Nacional Chapels and Crematory sa Araneta Avenue nakalagak ang labi ni Manay Ethel at sa Sept 14 nakatakda ang cremation.

Ang lubos na pakikiramay ng Hataw sa pamilyang naiwan ni Manay Ethel.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …