HIMALANG nakaligtas ang isang mangingisda nang atakihin ng isang pating sa dagat sa bahagi ng rehiyon ng Ilocos at nadala sa isang pagamutan sa bayan ng Bolinao, lalawigan ng Pangasinan nitong Sabado, 9 Setyembre.
Nagresponde ang mga tauhan ng Bolinao Municipal Disaster Risk Reduction Management Office upang sagipin ang biktima matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen.
“Sakay ng bangka ang biktima at iba pang mangingisda na nagtungo sa Ilocos Norte nang biglang atakihin ng pating kaya nagkasugat nang malaki sa kanyang hita at iniuwi pa ang laman ng kanyang hita,” pahayag ng Bolinao MDRRMO rescue team.
Ayon sa MDRRMO, niligtas nila ang hindi pinangalanang biktima sa Luciente 1, Bolinao saka binigyan ng first aid saka dinala sa pagamutan.