HATAWAN
ni Ed de Leon
NGAYON si David Licauco na ang nagsabi. Mataas ang kanyang respeto kay Jak Roberto kaya hindi niya magagawang agawin ang girlfriend niyong si Barbie Forteza. At saka gawin man niya iyon, papatol ba si Barbie? Palagay namin hindi eh, at kundi nga lang pinagsabihan iyan ng network na dumistansiya kay Jak dahil sa binubuong love team nila ni David, ewan kung pansinin siya niyan.
Si Jak ang dinadala ni Barbie sa kanilang tahanan at ipinakikilalang syota sa kanyang pamilya. Noong mag-ground breaking si Jak para sa kanyang future home, walang ibang bisitang naroroon kundi si Barbie.
Basta may puwang sa schedule para magbakasyon, si Jak ang kasama ni Barbie, kaya maliwanag na iyang Barda o Bardagul ba iyan ay love team lamang sa telebisyon.
Huwag kayong umasang may mangyayari riyan. Kung ipipilit iyan ng network, malamang tanggihan pa ni Barbie ang mga proyektong iniaalok sa kanya. Malaking kawalan iyan sa GMA 7 dahil isa sa pinaka-malakas nilang star si Barbie. Huwag na kayong umasa pa.