ni Ed de Leon
LUMALABAS na napakayabang daw kasi ng isang actor na napakabata pa, at kung iisipin wala pa namang napatunayan pero napakataas na kung magsalita.
Mukhang pumasok sa ulo niya ang mga papuring sinasabi tungkol sa kanya. Lahat talaga ng mga nakasama niya may nasasabing hindi maganda laban sa kanya, maliban sa isang gay male star na nakasama niya sa isang gay series na ginawa niya in the past.
Mukhang na-in love nga sa kanya ang partner niya dahil talaga namang bading iyon at pogi naman talaga si actor na hinahabol din nga ng isang director na closet queen.
Mayroon namang may suspetsa na ang closet queen na director ang nagsimula ng hate campaign laban sa actor, kasi nga binigyan na niya ng break at lahat, binayaran niya ng malaking talent fee kahit na indie lang ang kanilang ginawa, tapos na-snob pa ang kanyang pag-ibig.
Ewan namin kung nakalusot naman ang gay actor na nakasama niya kaya matindi ang pagtatanggol sa kanya.