ni Ed de Leon
MAY nabobola pa rin talaga ang gay male star na 40-anyos na pero mukhang bata pa rin. Ngayon ang ginagawa niyang gimmick para mapansin ay mga sexy pictorial, kasi nga hindi kumikilos ang kanyang career. May mga natapos siyang pelikula na hindi naman maipalabas dahil ayaw tanggapin ng mga sinehan, dahil tiyak na hindi kikita wala rin naman siyang mapasukang tv shows. Ang inaasahan na lang niya ay ang ginagawa niyang gay series na inilalabas sa social media.
Mali kasi ang diskarte sa career eh. Masyadong matalino at napakataas ang tingin sa sarili, wala tuloy siyang mapuntahan. Gusto niyang maging matinee idol na imposible naman dahil alam ng lahat na siya ay bading. Bata pa iyan naging reyna na ng Malate. Iyong mga dati niyang kaklase ang nagsasabing noon ay nagdadamit babae pa siya.
Paano magiging matinee idol iyan. Nagpapa-sexy pa siya ngayon?
Ano palagay niya matatalbugan niya si Rosana Roces noon?