Saturday , November 23 2024
Caesar Vallejos Ricky Davao Gina Alajar Roselle Monteverde

Caesar Vallejos ng NET25 Films, nagpasalamat sa tagumpay ng Monday First Screening

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGPASALAMAT ang NET25 President na si Caesar Vallejos sa mga tumangkilik ng pelikulang “Monday First Screening” na hatid ng NET25 Films.

Ang pelikula na tinatampukan ng showbiz veterans na sina Ricky Davao at Gina Alajar ay pinataob ang kasabayang Hollywood films tulad ng Blue Beetle at Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, noong opening day nito.

Noong una raw ay kinabahan sila dahil baka senior citizens lang ang manood ng kanilang pelikula. Pero sila ang number one movie sa takilya noong opening day.

Wika ni Sir Caesar, “We are very grateful to the Filipino family, kasi, dahil sa pamilyang Filipino, ginawa po ninyong number-1 ang pelikulang ito. 

“Noon pong opening day, kami po ang nanguna. On the opening day, we were number one, we can claim that at marami pong nadagdag na sinehan.”

Ito raw ay despite na doble ang bilang ng sinehan ng mga foreign films na mga kasabayan ng kanilang pelikulang Monday First Screening. 

Aniya, “Ang isa pang gusto namin ay nakipagsabayan din tayo sa mga foreign films, alam naman natin na kapag foreign film, medyo tumatabo sa takilya, hindi ba?

“So, maaaring hindi man kami number-1 sa over all, pero number one kami na local Filipino film at number-one kami sa puso ng pamilyang Filipino.”

Nag-enjoy kami nang husto sa panonood ng pelikulang Monday First Screening kaya hindi dapat itong palagpasin dahil siguradong makare-relate ang lahat at ito’y pang buong pamilya. Ang pelikula ay sumasalamin din sa reyalidad ng buhay ng maraming Filipino. 

Ipinaliwanag ni Sir Caesar ang layunin nila sa paggawa ng pelikula.

Aniya, “Movies is really the number one source of entertainment, not only in the Philippines, hindi ba? But in many parts of the world, talagang their only source of entertainment is films.

“That’s the reason why we venture into film making. So it’s not only to tap the entertainment medium, but also, it’s our way to showcase the values of NET25.”

Pagpapatuloy niya, “Kasi katulad ng sinabi namin sa launch, talagang para mapansin ang values, para mapansin ang NET25 and NET25 Films, ito ang genuinely wholesome entertainment channel. We really want to go back to the basics, we want to go back to the old and time honored values of respect, respect for the elderly, love, hope, faith…

“Iyon naman din ang binabalikan natin, tulad ng sa pelikula natin ngayon… Talagang wala tayong ibang masasandalan o babalikan, kundi ang pamilya rin natin. Sa pagtanda natin, sino pa ba naman ang hahanapin natin? Pamilya rin natin…

“We want to create more stories on this and I think, based on the reactions of a lot of people, we want to create contents that will be appreciated, not only by the older ones, but the younger generations.

“Kung napansin ninyo ‘yung movie, may marriage ‘yung ano…Kahit ‘yung mga seniors, mga kasambahay, hindi ba? Parang there’s a connection with the language of the old, with the new generations,” sambit niya.

Ang pelikulang Monday First Screening ay hinggil sa dalawang senior citizen na nagkakilala at nagkainlaban sa panonood ng libreng pelikula sa unang screening tuwing Lunes sa isang mall.

Extended ang pelikula kaya makipila na sa mga paborito ninyong sinehan, mag-enjoy, kiligin, at ma-in-love muli, via the movie Monday First Screening!

Bukod kina Gina at Ricky, mapapanod din sa pelikula ang mga  premyadong sina Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Che Ramos, at David Shouder, kasama ang tambalan nina Allen Abrenica at Binibining Pilipinas 2023 2nd Runner Up na si Reign Parani. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Benedict Mique.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …