Friday , May 16 2025
Barbie Forteza Maging Sino Ka Man  Sharon Cuneta Robin Padilla

Barbie tawang-tawa nang mapanood sina Robin-Sharon

RATED R
ni Rommel Gonzales

SINADYANG panoorin ni Barbie Forteza ang Maging Sino Ka Man na pelikula nina Sharon Cuneta at Robin Padilla noong 1991 na pinaghanguan ng kanilang teleserye.

Yes po, ako I intentionally watched the movie po, buti na lang mayroon sa Youtube niyong full movie talaga.

“So napanood ko po and sobrang nakatatawa po ni Sir Robin and Sir Dennis [Padilla], and siyempre ang presence ng ating Megastar, it was just a cherry on top in the film, ang ganda!

“Pati ‘yung mga bata, kaya noong napanood ko po ‘yung original film lalo po akong na-excite na gawin ‘to, kasi napanood ko ‘yung original and now I understand why it’s very iconic up till today.”

Sina Barbie at David Licauco ang mga bida sa TV version ng Maging Sino Ka Man ng GMA.

Sa direksiyon ni Enzo Williams, kasama rin sa Maging Sino Ka Man sina Juancho Triviño as Gilbert Arnaiz, Faith Da Silva as Cleo Ramirez, Mikoy Morales as Gordon a.k.a. Libag, Rain Matienzo as Tetay, at sinaE.R. Ejercito as Boss Frank, Jeric Raval as Alex, Jean Saburit as Shonda, Juan Rodrigo as Miguel, Antonio Aquitania as Jonas, at Jean Garcia as Belinda Salazar.

May special participation sa serye sina Al Tantay as Osmundo at Tonton Gutierrez as George.

About Rommel Gonzales

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Jace Salada

Jace Salada bibida sa Sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla NAPAKA-BIBO ng batang actor at isa sa host ng award winning children …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Liza Diño Ice Seguerra Dr Anton Juan Choosing A Stage Play

Liza at Ice may inamin sa Choosing (A Stage Play)  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPANG na ipinakita ng mag-asawang Liza Diño Seguerra at Ice Seguerra …