“Dapatsigurado, tayo kung may napanagot sa trahedyang ito, dahil kung hindi ay parang minamaliit natin ang buhay ng mga namatay. Mahigit 30 katao itong pinag-uusapan natin, dapat ay maging responsable tayo sa ating responsibiidad at mandato,” ayon kay Hataman.
“At kailangang may managot. Kaya natin tinatanong kung may nakasuhan na,” aniya.
Ikinalungkot ni Hataman ang pag-aprub ng budget ng Kagawaran ng Transportasyon kung saan kasama ang MARINA.
“MARINA should explain, in very clear terms, the results of the investigation it launched on the Basilan ferry fire incident. Nakasuhan ba criminally ang mga may-ari ng MV Lady Mary Joy 3? Anong parusang administratibo ang ipinataw? Ano ang ginawang hakbang ng MARINA para hindi na maulit ang trahedya?” tanong ng kongresista.
“Marami tayong tanong pero tila hindi kayang sagutin nang maayos ng tagapamahala ng MARINA ang mga ibinato nating kuwestiyon. Kaya sa plenary na lang natin uulitin ang ating mga katanungan.” (GERRY BALDO)