Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabby Concepcion, Genevieve Gonzales, Samantha Concepcion, Savannah Concepcion, Garrie Concepcion, KC Concepcion, Chloe Syquia Skarne

KC mas malapit kay Gabby at sa mga kapatid sa ama

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA si KC Concepcion,na kasama pa ang boyfriend niyang si Mike Wuethrich sa birthday party ng half sister niyang si Savannah, anak ni Gabby Concepcion kay Genevieve Gonzales

Iyan ay halos kasabay ng pag-amin niya na siya ay lost dahil may pamilya nang iba ang nanay niya ganoon din ang tatay niya kaya ang feeling niya naiwan na siyang mag-isa. Hindi siya nagkaroon ng ganoong feeling noong buhay pa ang kanyang lolo at lola, sina Mayor Pablo Cuneta at si Mommy Elaine,  dahil nasanay naman siyang lumaki sa piling ng mga iyon matapos na maghiwalay ang kanyang mga magulang noong tatlong taong guang pa lamang siya. 

Si Gabby ay matagal sa abroad at si Sharon Cuneta naman ay abala sa kanyang career, bago nga nagkaroon ng panibagong pamilya. 

Inamin ni KC na mahirap mabuhay sa isang “blended family” dahil tiyak na magkakaroon ng hindi pagkakasundo.

Pero sa malas, mas malapit si KC sa mga kapatid niya sa ama, kaysa mga kapatid niya sa ina. Dikit siya kay Gariena anak ni Gabby kay Grace Ibuna. Nagtungo pa siya sa kasal ni Chloe sa abroad, na anak naman ni Gabby kay Jenny Syquia at madalas makitang kasama ang mga kapatid na sina Savannah at Samantha, na mga anak naman ni Gabby kay Genevieve. Bagama’t nakikita rin siyang kasama ng mga kapatid niya sa ina, hindi sila ganoon ka-close. Hindi rin nga maikakaila na mayroong gap sina KC at Sharon, itanggi man nila.

Mukhang mas matutupad nga ang pangarap ni Gabby na pagdating ng panahon ay mapagsama-sama niya ang lahat ng kanyang mga anak, kaysa pangarap ni Sharon na isang masayang blended family.

Ano man ang sabihin ninyo, hindi maikakailangt idol na idol ni KC ang tatay niya, at kahit na ngayon lang sila nagkakasamang madalas, mas malapit siya roon kaysa kay Sharon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …